Friday, November 13, 2009

ANG SI-KAT, MAY KAPATID NA









Matagal bago nasundan ang huling post dito dahil na rin siguro sa napakaraming dahilan...

Nitong mga nakaraang mga buwan ay naging abala ako sa pagbuo ng isang children's theatre group dito sa aking paaralan, ang Chung Lian School. Hindi ko nga alam kung magiging ok at sakto dahil sa hindi ko naman forte ang mga bulingit.Kalimitan kasi ay theatre workshop for teens ang naibibigay ko dahil na rin sa mahabang panahon ko na pagtuturo ng secondary level. Pero open naman ako sa mga bago...



Mabibilang sa kamay ko ang mga children's theatre workshops na naibigay ko.'Yung una ay sa POVEDA na kinarir ko na lang dahil sa pakisuyo ng isang kaibigang guro. Tapos, medyo blanko na ang memorya ko. Nagbigay din ako ng Children's Theatre Workshop dito sa Brunei para sa isang project ng mga magkakalapit na school sa Belait district, ang University for Children na nag offer ng module ng Children's Theatre. 'Yun na yun.





Kaya isang challenge para sa akin ang bumuo ng isang grupo na ang mga miembro ay nasa primary level, as in lower primary level.



Nakakatuwa at nakahinga na ako ng maluwag. Ito na nga. Ang pangalan ng grupo ay Kids' Playhouse Theatre Group (KPT).



Last Teacher's Day celebration nagpresent ang mga mga bata batuta sa madla ng tatlong short plays. Stories for Children: Sun and Wind, The Lion and the Mouse, The Boy who cried Wolf.
Maganda ang feedback from the audience at sa mga magulang na tuwang tuwa sa kanilang mga anak.

Kaya naman 'di doon nagtapos. Ngayong 15th November 2009 ay naimbitahan sila na magpresent ng isang short play din to promote a healthy lifestyle para sa celebration ng Ministry of Health dito sa Lumut-Liang area. Ang guest of honour na manonood ay ang Minister of Health mismo dito sa Brunei.



Nagkaroon kami ng series of workshops and mounting of mini stage plays.
Masaya... nakakapagod... nakakapanibago... pero totoo na nga ito. May kapatid na ang SI-KAT.

Katatapos lang ng rehearsal at ang mga bata ay kumportableng kumportable na. nakakatuwa at disiplinado sila at alam ang gagawin.Hindi ako binigyan ng sakit ng ulo.

Bigla nga akong napaisip na sa maiksing panahon ay nakalima na palang presentations ang mga bata na ipinalabas sa paaralan mismo at kasama na itong una nilang pagtatanghal na isang pampublikong event.

At present time ay nasa proseso na rin ako ng paggawa ng blogsite ng grupo.

Malayo layo pa ang pwedeng marating pero sana magtuloy tuloy ito tulad ng SI-KAT kahit ako ay wala na sa school. Sana nga rin ay magkaroon ng interaction in the future ang SI-KAT at ang CPT.Malapit lang naman ang Brunei. Who knows? 'Di masama ang mangarap, hindi ba?

Saturday, July 18, 2009

WORKSHOP 2009 FOR SI-KAT NEW MEMBERS



Yes, the day after the blog orientation workshop at saka ng asian movement workshop ay tuloy pa rin ang lagare ng mga memebers ng SI-KAT sa Carmel. Bakit? Kasi the following day(It was Friday afternoon), the new recruits of SI-KAT experienced their first taste of theatre workshop. Sorry, hindi ako nagfacilitate, ang totoo nanood lang ako. Ang mga core group at senior members yata ang siyang nagfacilitate ng workshop. Before the workshop, I just gave them guidelines and pointers but the rest was their show. Habang pinapanood ko sila ang nasabi ko sa sarili ko ay,

"Finally,the group can really stand on its own. Semi -retired na nga yata ako.hehehe"



Hinati nila ang mga participants into four groups. Sa bawat grupo ay at least three facilitators at five or more new members.I hopped from group to another to observe at masasabi kong hinog at babad na ang mga bata sa aspeto ng teatro.No doubt, higher level na nga ito.



The facilitators focused mainly on the artistic elements in theatre pero ang isang mahalagang reminder lang ang binigay ko sa mga facilitators:

"Hayaan n'yo na mag enjoy kayo at ang mga participants. It should be more of a bonding moment and a way for the new members to feel comfortable and welcome."

Kaya naman parang team building cum theatre arts workshop ang nangyari. It was fun eventhough the group was given only a short period of time. Pero ang alam ko naman ay marami pang darating na workshops para sa mga members. This Decemeber when I come back again sa Pilipinas ay may gagawin kaming mga activities for the SI-KAT members, so watch out!



HULING HIRIT:

WELCOME sa mga bagong SI-KAT members SY 2009 - 2010.
I hope to see and hear from you again. KUDOS!

Saturday, July 4, 2009

ASIAN MOVEMENT WORKSHOP



Matapos ang Blog Orientation Workshop noong umaga ng June 18, ay hindi nagtapos doon ang aking immersion with the SI-KAT core group. Hapon ng araw ding 'yon ay nagkaroon kami ng Asian Movement Workshop. Mukhang kinarir ba?

Sinamantala ko lang ang pagkakataon para rin magbonding kami. With all honesty, masaya kasama ang grupo. I was able to feel the enthusiasm in them. That afternoon, I taught them the basic Tai Chi movements. Siguro magtataka kayo at saan ko naman napulot ang mga kaetchingan na ito. E hindi nga ba at ako ay isang guro sa isang Chinese school dito sa Brunei. Nagkataon na bago ako lumipad patungo sa Pilipinas ay may pinaghahandaan kaming presentation for the Sultan's birthday. At dahil kailangan ay may touch of Chinese culture, napagkasunduan na Tai Chi ang gawin. So, hayan ang history kung bakit ako ay may naibahagi sa core group na isang Asian Movement. Sa tulong ng walang kamatayang Enya music ay nabuo naman namin ang ilan sa mga Tai Chi movements. For two hours, at least, we were able to make use of our time productively and creatively.

Hindi doon nagtapos, I asked them to make use of Tai Chi movements, modify them at magbuo ng sayaw-galaw gamit ang kanilang natutunang mga galaw.Ang "Paraiso" ng Smokey mountain ang napili ko gamitin.



Nakakatuwa kasi ang bilis ng output at walang kahirap hirap na nakabuo ang grupo. Mabilis ang pick up at ramdam ko na bihasa at sanay na ang mga bagets pagdating sa ganitong mga bagay. It was a relief kasi hindi ako napagod.

Sana maulit. Naisip ko tuloy na sa susunod naman ang mga Malay-inspired movements naman ang ibabahagi ko para makumpleto ang series of Asian Workshop Movements. While writing, naisip ko tuloy, ang gandang gawan ng module ito.hehehehe

Wednesday, July 1, 2009

SI-KAT BLOG WORKSHOP



Sa aking muling pagbabalik, na lagi ko namang ginagawa sa tuwing may pagkakataon, sa ating mahal na paaralang Mt. Carmel School noong 18 June 2009 ay sinamantala ko ang opportunity to meet the present members of SI-KAT. Excited ako dahil matagal tagal na rin akong walang personal connection sa mga members and only through Ms. Abeth I get the latest updates.

Sa tulong ni Ms. Belen Foronda at Ms. Abeth Vargas ay nabigyan ako ng schedule na makadaupang palad ang new blood ng ating theater group. Hayan tuloy nagkaroon ng SI-KAT Blog Orientation Workshop ng sa ganun ay mas lalong maging bonded ang SI-KAT through this blog. Masaya si Ms. Belen dahil tayo ay more than a decade na at saka strongly connected pa rin. She even suggested a reunion. Bakit nga ba hindi? Maganda ‘yan para magkasama sama ang past and present members.



During the workshop, I asked them to send messages through Kontactr na isa mga gadgets dito sa ating blog para maupdate tayo sa mga nangyayari sa SI-KAT sa loob ng paaralan ng Carmel. I also mentioned to them the prime objectives why I created this blog. Ano nga ba ang dahilan at meron nito? Syempre, it is a way of strengthening the group through active communication that can even break distance barrier. Hindi lang po ‘yan, gusto rin po natin na mapanatili ang samahan both past and present members sa SI-KAT na nag ugat sa ating alma mater. Having this blog is a documentation in itself the collective experiences of all concerned members. At saka, it is a way of journeying on how the group evolves and continues to keep abreast with the changing times.

Nakakatuwa naman at smooth ang naging flow ng orientation / workshop about this blog. Kaya mula ngayon, expect that there will be regular updates especially from the present core group of SI-KAT:

Giselle Cua, Ma. Eva Crisostomo, Melgar Mandani, Alek Margret Buendicho, Zcharmaine Tristeza, Zyra Jean Monterico, Rachelle Romantico, Jan Rafael Paril, Juaymah Leynes, Krizza Ritual, Randel Pradillada, Ryan Sollano, Paul John Roche, Amiel Babia, Hannah Jean Rivera, Khristine Joy Cuento, Mariama Lois Quinto, Matthew paolo Marquez at Enna Crisostomo.



Here’s what they have say about their SI-KAT experience.
Please take note:
This is just the first of the three parts.

Member's name: Zyra Jean Monterico
Email : zhye_ge.an@yahoo.com

.sUPer sAya sa SiKat… imagine naka 4 yEars ako aNd I have never regreted na hanggang ngayon eh nAndito pa ako.Maraming nangyari through the years.. nAkasama ako sa fr. Marie Eugene and sa totoo lAng, it was so amazing kasi sa play namin na iun naka2long kami sa 4th year para sa kanilang retreat! if I am not mistaken that was year 2007 and i'm 2nd year nun! pero ndi dun nagtatapos un marami pa kaming nagawa..

Member's name : Krizza T. Ritual
Email : kei_za11@yahoo.com

SiKaT ?? naging member po ako nito noong 2007 during my 1st year highschool.

hindi ko lang malilimutan dito ay ang pag gawa namin ng mga props sa tuwing may play ang SiKat tulad ng sa FANTASYBOOTH at iba pa...

thank you po!!

Member's name : Juaymah B. Leynes
Email : juaymahleynes@yahoo.com

ahh .. ako nga pala si Juaymah B. Leynes ..

Elementary pa lang kmi nun sa MCSI ng una kong marinig ang salitang SIKAT, noon hindi ko pa alam kong anu yun pero nung naghigh school na ako, doon na nagsimula ang lahat ng mga pangyayaring hinding-hindi ko malilimutan !!

Nagaudition ako nun para makasali sa SIKAT at yun ang swerte ko naman dahil pinalad ako upang maging isang certified member ng SIKAT ..

Hinding- hindi ko makakalimutan ang unang beses na humarap ako sa mga tao upang magpalabas bilang isang miyembro ng SIKAT .. Yun ay noong feastday ng MCSI, noong 1st year pa ako .. Gumanap ako bilang step sister ni Cinderella .. hahaha .. kontrabida as usual .. heheheh ..

yun nakabilang din ako sa isang stage play na pinamagatang "Summer Dreamin' " na kinuha mula sa istoryang sinulat ni William Shakespeare na "A midsummer nights dream " .. Bongga noh .. hehehehe ..

Tapos dun na nagsimula ang iba't ibang experience ko sa pagpapalabas sa entablado bilang isang SIKAT member .. :))



Member's name : Hannah Jean R. Rivera
Email : naejhannah_20@yahoo.com

Hi po.. thank you 4 the information about the SiKaT history.. and 4 this training..

I joined the summer workshop last 2006. I learned how to act, I learned how to sing and dance gracefully.. that's why I enjoyed that summer vacation..

God Bless us..

Member's name : Amiel Babia
Email : amiel_23kj@yahoo.com

I'm Amiel....Nung Elem. pa lang ako,naririnig ko na ang tungkol sa SI-KAT..Tapos naisip ko,ano kaya kung sumali ako kapag first year na ako...And then nag-audition ako,tapos nakapasa ako.....Ngayon,marami na akong nasasalihang production pero ang hindi ko makakalimutan ay nung nakasama ako sa stage play na pinamagatang "The Father Marie Eugene story" na iisa lang ang kasama kong first year at halos lahat ng mga kasama ko ay 4th year...Ang saya ko nun! GRABE! Para bang feeling ko nagawa ko na yung pangarap ko....Pero sa mga nagawa kong goal sa buhay,hindi pa rin ako tumitigil sa pagdadasal kay GOD

Member's name : Mariama Lois R. Quinto
Email : loisma_11@yahoo.com

sobrang saya ng experience ko sa play namin na "summer dreamin'" last year,October,2008..
noong unang ipapakita namin ito kay ma'am Abeth nakakakaba,dahil hindi pa masyadong maayos at memoryado ang mga lines..kung saan-saan pumapasok,lumalabas na dapat hindi naman dun.masaya ring gumawa ng props nagpapahidan ng pintura,tuksuhan at marami pang iba...nung malapit na ang oras ng pagpapalabas iba-iba ang nararamdaman ng bawat isa,may excite,may kinakabahan at kung anu-ano pakiramdam...pero ako sobrang saya ko as in sobra...kaya ang palabas naming summer dreamin' ang the best!!!!



Member's name : Khristine Joy
Email : kist_16@yahoo.com

Sobrang saya ng play namin sa SUMMER DREAMIN',last October 2008.
Lalo na kpag my rehearsal,..andami-dami ko talagang naging kaibigan,...pero syempre,..hndi rin nwala ang kaba,..lalo nah tuwing checheckin ni ms. A ang pinractice namin,.pero ok lang..hndi tlga kyang plitan ang saya tuwing mgkksma ang lahat ng cast ng SUMMER DREAMIN'!!!..hehehe,..
At isa pang nkapagpganda at nkpagpsya sa experience namin ay ang paggawa namin ng mga props...phidan ng paint,..habulan,..kwentuhan,..at kung anuano pah!!..
hindi ko tlaga mkkalimutan ang npkganda naming experience nun!!!!..ang saya-saya!!!HAHAHA...\

Member's name : Zcharmaine A. Tristeza
Email : zcharmaine_tristeza@yahoo.com

first of all, sir i would like to thank you 4 being here in carmel to give us a workshop..

thanks 4 the info that you gave us.. imagine, 4yrs na ko d2 sa Carmel at 3yrs. na kong official member ng SiKat pero ngaun ko lang nalaman ung ibang info about SiKaT na binigay mo sa amin..

activity/ies:
unang una sa lahat makaperform as a SiKaT member sa Fantasy Booth every Feast Day., (and that's just once a year., kaya dapat di pinapalampas.. ahehe",)

marami na din pong naacomplish ang SiKaT sa mga nagdaang panahon,..

thank you po ng bonggang-bongga!! ahehe",)

Member's name : Ava Crisostmo
Email : ava_18u@yahoo.com

SiKaT .. ang daming ACTIVITIES
madami akong di makakalimiutang activities ng SiKaT pero ang talagang para kakaiba sa mga activity ay yung pag-sama/entertain sa mga CHINESE na dumalaw dito sa Infanta.

Kakaiba dahil di ko akalaing magagawa ko yung bagay na yun, at dahil sa SiKaT yung mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ko ai somehow magagawa ko pala.. :))

Member's name : Alek Buendicho
Email : pumpkinberii@yahoo.com

Simula elementary pa laang ako ay madalas na akong sumaside-line sa mga activity ng Sikat! Una ay gumanap akong anak sa mag-asawa noong may Christmas Program ang high school department ng Carmel. Nasundan pa ito noong grade 3 ako. Nagkaroon ng "lab show" ang SiKaT. isa itong fund raising CONCERT. Ang perang malilikom doon ay para sa kasalukuyang itinatayong Sto. Nino building. isang mahabang preparasyon ang aming ginawa. Ang ako at ang aking mga kaklase ay may ginawang number sa concert. Kumanta at sumayaw kami. Naalala ko pa ang title ng aming kinanta ay PATINTERO. Masayang karanasan ito para sa akin. At kaya noong nag first year high school na ako ay sumali na ako sa Sibol ng Kabataang Teatro :))

Wednesday, April 22, 2009

SI-KAT LINGO

pagbabahagi ni Agustin Ilagan


Bilang isang certified member ng SI-KAT, dapat alam mo ang mga terms na ginagamit sa mga rehearsals at plays ng grupo. Ang mga ito kadalasan ay nagagamit na rin na bokabularyo o katawagan sa iba’t ibang sitwasyon kahit tapos na ang isang production…

Ang mga katawagan na ito ay nadadala pati sa labas ng isang play… sa classroom, sa canteen at maging sa labas ng school. Minsan, unconsciously hindi natin maiwasan makapagbitaw ng mga linyang “cut”, “action”, “freeze”,”internalize” at iba pa…

Ang mga terms na ito ay madalas manggaling sa mga kasama at katrabaho sa isang play tulad ng directors, stage managers, pati na rin mga actors. Pero dahil naaabsorb natin ang kultura ng teatro, ang mga theater lingo ay nagagamit na rin sa mga ordinary life situations.

Narito ang ilan sa mga terms:

CUT

Isang command na galing sa director para patigilin o putulin ang isang eksena. Kadalasan ito ginagamit kapag may mali o di maganda ang pagkakaexecute ng role ng isang stage actor/actress. Sa teatro ito at hindi sa TV o movies ha!

Kaya naman kapag may usapan sa harap mo na parang ayaw mong marinig o kaya ay gusto mong sumabat... sumigaw ka na lang ng “cut!!!”

ACTION (with countdown-5.4.3.2)

Isang hudyat ito ng director para simulan ang isang eksena. Kadalasan ay may bilang muna ito para makapagprepare na ang mga characters sa eksena, "5....4…3…2 “action!!!"

Kung gusto mo munang isuspense ang sarli mo o ang kausap mo di mo namamalayan na bumilang at magsabi ng action!”
Example:
May gusto sana akong sabihin sa iyo... eto na… (mapapabilang ka sa iyong sarili ng 5,4,3,2 action!)


ON CUE
Ito ang usual term na ginagamit para maayos ang set up ng isang eksena. Bago simulan ang execution ng isang eksena dapat ay “on cue” na ang lahat. In short, be ready.

Kapag nasa bahay ka at may pinagawa sa’yo tulad ng maghain sa hapag kainan, o linisin ang kwarto, minsan masasabi mo na “on cue na po." (based on my experience)

BLOCKING

Ito ang term na ginagamit para sa positions o pwesto ng mga characters sa ibabaw ng isang entablado. Kinakailangan, ang mga characters sa isang play ay nasa tamang blocking as instructed by the director.

Kapag may nakaharang sa harap mo habang may pinapanood ka, masasabi mo na lang,"Mali ang blocking ng taong ito, ‘di ko makita ung nasa harap.”


FREEZE

Isang command na binibigkas ng director na kahalintulad sa term na “cut”. Ang maliit na kaibahan dito ay kapag binigkas na ang “freeze”, para kang istatwa at mangangalay ka kapag medyo matagal ang go signal ng director.

Kagaya ng cut ‘pag may gusto mong magpapansin ay effective ang "freeze!"

INTERNALIZE

Ito ang sinasabi kadalasan ng director at stage managers bago magsimula ang rehearsal o play. Maging pati ang kapwa stage players ay binabanggit ito bilang paalala bago sumalang sa isang eksena. Usually ay ginagamit din ito sa mga workshops o activities bago magsimula ang rehearsals.

Madalas itong nasasabi kapag may nag-eemote o nagiisip ng malalim.
Example:
"Tol, okay ka lang? Mukhang nagiinternalize ka ha? Anong eksena ba yun?"

CURTAIN CALL

Ito na malamang ang pinakamasayang term sa isang production. Nakakahinga na ng maluwag ang mga casts at production staff kapag naririnig na ang salitang ito. Ito ay hudyat ng ending ng isang play. Dito lalabas lahat ng mga involved sa play at magte-take a bow sa harap ng mga manonood. Dito malalaman ang impact o dating ng palabas sa mga audience sa pamamagitan ng kanilang mga palakpak. Pero kinakailangan pa rin itong practice para maging maganda ang pagpasok at paglabas ng mga cast ng isang production….

Minsan sa isang inuman, kapag nalalasing na ang kainuman mo at napasuka mapapasambit ka na lang ng “Ayan na si pare nagcurtain call na….bow!!! heheheeh


May iba pa ba? Share n'yo naman...

Sunday, April 12, 2009

HAY, HETO PA... HETO PA!

pagbabahagi ni Jaybee Utulo



Natatawa talaga ako tuwing naaalala ko itong mga karanasan sa SI-KAT. Napakafunny noong iba tapos ang iba ay niligwak si Judy Ann Santos sa pag eemote.

• Natatandaan ko na may mga times na may nakakaaway ako sa grupo sa sobrang arte ko. Doon nagsimula ang “walk out era”. At isa sa suki ng eksenang ito ay si sir Ped lalo na ‘pag hindi na n’ya kinakaya ang pananaway… hahaha sir Ped, alam mo ‘yan. Isa rin ako sa ganyan ‘pag medyo nasaktan ako sa sinabi nila dahil makulit ako.

• Naalala ko noong nag youth camp kami sa Real, Quezon. Sa mga nandoon, you’ll agree na masama ang ugali ni Palaks, ‘di ba? ‘di ba? hahahaha… Sa kanya ko naranasan ang malupit na pagtrato sa mga nagnanais maging magaling na actor. Si Palaks naman kasi nagmamaganda at nagmamaasin! Imbidi! (imbiyerna)


• Eto pa… Ang paggapos kay Lorenzo sa puno sa beach. Akalain n’yo s’ya lang ang iginapos sa punong ‘yon... hahaha. At eto pa nga… ang pagbunot ni Van ng buhok sa ilong para lang maiyak s’ya. Natatandaan ko ‘yung scene n’ya sa workshop na parang nasa simbahan yata s’ya at nagdarasal... hahahaha. Pero in fairness, umiyak s’ya at napaka OA ng luha n’ya ha. Nagdarasal lang s’ya eh... hahahaha.

• Eto pa uli… Ang pagkairita kay Michelle… I’m sure ‘yung ibang pioneers di s’ya makikilala pero alam ni sir Ped ‘yan… hahahaha… si Michelle kasi eh.


• Ang pagsigaw ni ma’am Abeth kay Diana na, “Ano ba Diana, kung saan saan ka tumitingin... tumingin ka ng diretso!” ... hahahaha. Ang mean mean... hahahaha… pero dito ko narealize na si ma’am Abeth na terror sa English class n’ya ay kaibigan pala ‘pag nasa theater na. ‘Yong tipong, “Mabait pala si ma’am Abeth?” ‘di ba?

• Nasabihan din ako ni sir Ped ng, “Pag kasama n’yo ako ‘wag kayo magyosi kasi ayaw kong maging bad influence!” Tama nga naman si sir... hahahaha.


• Hindi ‘pa tapos, heto ang pinaka matindi: ANG PAGKA HUMALING NG MGA KALALAKIHAN KAY KAREN CATILO! Hahahaha… Aminin n’yo na halos lahat ng miyembro sa SI-KAT noon ay nagka crush kay Karen... isa na ako doon pero ngayon keribels na, wala na akong crush sa kanya... hahahaha. Sabhin nyo kung hindi nila naging crush si Karen: Gapa, Moymoy, Van, Lando, Macky at kung sino sino pa.


• Noon ay tayo ang suki ng Blue Corner na t-shirt na color black... hahaha. Lahat yata ng play natin hindi ito mawawala.

• Dito sa SI-KAT, naappreciate ko ang mga traditonal Filipino dances... katulad ng igorot chenelyn dance, singkil… ‘yun. Pinangarap ko maging dancer ng igorot pero ayaw nila eh... hahahaha. Malaswa raw ‘pag ako kaya pinag kulintang na lang ako. Inagawan pa ako ni ma’am Evelyn noong mismong presentation... imbyerna! Hahahaha


O, guys d’yan na po muna ha... babalik ako mga minsan... watch out!

Thursday, April 2, 2009

JULIUS BENJAMIN UTULO


ANG AKING HISTORY SA SI-KAT.

Dito nagsimula ang lahat ng makukulay na pangyayari sa aking buhay…

Nasa elementary pa lang, napasabak na ako sa mga pagtatanghal kagaya ng ginagawa ng SI-KAT. Palibhasa ay uto uto ako at medyo may pagkapasikat kaya kahit ang mga pakulo ng mga katekista (alam n’yo yan! hahaha) ay kasama ako. Noon pa man ay may background na ako sa teatro. Wala rin naman akong hilig sa mga theater-theater na ‘yan, nagkataon lang na siyempre ako ang paborito, kaya wala akong magagawa… hahaha!


Pumasok ako ng Mount Carmel High school taong 1996 na yata ‘yun. Tapos noon ay mayroon inihahandang play para sa CASPI General Assembly. Napanood ko ang isang play na kasama ang kapatid ko na si Majo+ so nagkaroon ako ng interes sa teatro. Ang kaunaunahang play na nasalihan ko sa Mount Carmel ay "St. Therese of the Child Jesus". nahihiya akong umarte noong una dahil akala ko ay nakakatawa ako umarte... pero ng natapos ang play, maganada naman pala ang resulta.

Isang araw ay English month na!! Yehey! ( magnonose bleed na naman ako nyan... Lagot hahaha... 'di pa naman ako magaling na magaling mag English... hahaha) So may mga activities na hinahanda. Isa ako sa tinawag ang pangalan para sa isang English play na “ Journey to the kingdom of the Sun”. Ang unang role na ginampanan ko ay isang bonggang bongga na “taong gubat". Natatandaan ko pa na ang costume ko ay lalagyan ng sibuyas...hahahaha, palong palo 'di ba? Si Ipe pa ang leader nmin... Si Enya ang suking soundtrack namin... hahaha... “Storms in Africa”? Maganda ang naging feedback ng palabas na ito. Lahat naiyak kasama na si Binibining Foronda. Ito ang isa sa ipinagmamalaki kong play na masasabi kong “superb”! at excellent!

And the rest is history!

FUNNY MOMENTS SA SI-KAT

Part One: Ang una kong body exposure…

Ito ay nangyari sa plaza sa Infanta...Isang play na inilaban namin sa iba't ibang schools. Noon usong uso sa mga actors ang under-under-under shirt (Landz, agree ako!)so habang naghihintay ako ng part, nakikipagdaldalan ako sa back stage at dahil sa sobrang kadaldalan ko hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod!!! Dali dali kong hinubad ang aking shirt pero accidentally nakasama na 'yong iba pang shirt na nasa loob. Ang ending: Lumabas ako sa buong plaza na maraming nanonood at nakahubad ako... at take note! Ako lang ang nakahubad sa buong cast… 'Di ba, boldstar! hahaha...


Part Two: Ang pagmamaasim ko kay sir Ped…

Alumni home coming at mayroon na namang palabas. So siyempre todo prepare kami sa gagawin naming part.. .hehehe. Si Pakto, kung 'di ba naman kasi epal 'tong si Pakto, ay inaya ako sumama sa pag aanounce para sa home coming sa buong bayan…. so natapos ang halos maghapon sa pag libot sa iba't ibang barangay. Dumating kami sa auditorium... nakita ko si sir Ped na naniningkita at naiiyamot na sa galit... hahaha so heto na ang eksena...

tumakbo na ako sa back stage para makapag rehearse... takbo! takbo! nang biglang sumigaw si sir Ped, “Freeze! JB, alis ka d'yan.” with matching turo sa akin. Natakot ako at medyo nagtampo. Ako na nga nag anounce, papagalitan pa... so hinablot ko ang bag ko at inilagay ang mga damit sa loob, sabay sabing, “ALIS NA AKO!" na nangingiyak ngiyak... hahaha. Siyempre mahal ako ni sir Ped kaya ina-yo ako sabay tawa... Ang arte!


Dalawa pa lang 'yan sa mga most treasured moments ko sa SI-KAT...
Hindi palibhasa actor ka, seryoso ka na. Masasabi ko na isa sa pinaka maraming naibigay na magagandang alaala sa akin ay ang SI-KAT. Lahat ng klaseng tao makikilala mo.. may suplada, bakla, may pagka tomboy, maarte, sosyal, simple, maingay, tahimik… at kung anik anik pang eklavoush! Pero lahat kami pantay pantay, walang mataba at payat, walang maitim at maputi, walang matanda o bata.. Lahat dito nagmamahalan... Lahat magaling

SI-KAT SA AKING BUHAY

Isa ang sikat sa nagpalago at humubog sa aking pagkatao, dito ko natutunan maging isang kapatid at isang kuya sa mga nakakabata na myembro, isang guro na nagtuturo ng magagandang halimbawa, isang bunso na handang matuto sa nakakatanda (sir Ped. Charot! Dito ako natututong sumayaw sa iba't ibang klase ng musika, umarte sa iba't ibang katauhan at ang higit sa lahat na ipinagpapasalamat ko ay dito ko nadiskubre ang talento ko sa pag awit na kung saan ay dala dala ko hanggang ngayon at lagi kong ipinagmamalaki. Kailan man ay 'di ko makakalimutan ang aking mahal na grupo. 'Pag tanda ko… kung mayroong SI-KAT pa.. Lahat ng mga anak ko... Lahat sila isasali ko para lumaki silang maarte. Chos! ... para lumaki silang talented.


SI-KAT, you’re the man!! Awoo awoo!!

check this site

check this site
learning English language is just a click away