Showing posts with label the si-kat experience. Show all posts
Showing posts with label the si-kat experience. Show all posts

Wednesday, April 22, 2009

SI-KAT LINGO

pagbabahagi ni Agustin Ilagan


Bilang isang certified member ng SI-KAT, dapat alam mo ang mga terms na ginagamit sa mga rehearsals at plays ng grupo. Ang mga ito kadalasan ay nagagamit na rin na bokabularyo o katawagan sa iba’t ibang sitwasyon kahit tapos na ang isang production…

Ang mga katawagan na ito ay nadadala pati sa labas ng isang play… sa classroom, sa canteen at maging sa labas ng school. Minsan, unconsciously hindi natin maiwasan makapagbitaw ng mga linyang “cut”, “action”, “freeze”,”internalize” at iba pa…

Ang mga terms na ito ay madalas manggaling sa mga kasama at katrabaho sa isang play tulad ng directors, stage managers, pati na rin mga actors. Pero dahil naaabsorb natin ang kultura ng teatro, ang mga theater lingo ay nagagamit na rin sa mga ordinary life situations.

Narito ang ilan sa mga terms:

CUT

Isang command na galing sa director para patigilin o putulin ang isang eksena. Kadalasan ito ginagamit kapag may mali o di maganda ang pagkakaexecute ng role ng isang stage actor/actress. Sa teatro ito at hindi sa TV o movies ha!

Kaya naman kapag may usapan sa harap mo na parang ayaw mong marinig o kaya ay gusto mong sumabat... sumigaw ka na lang ng “cut!!!”

ACTION (with countdown-5.4.3.2)

Isang hudyat ito ng director para simulan ang isang eksena. Kadalasan ay may bilang muna ito para makapagprepare na ang mga characters sa eksena, "5....4…3…2 “action!!!"

Kung gusto mo munang isuspense ang sarli mo o ang kausap mo di mo namamalayan na bumilang at magsabi ng action!”
Example:
May gusto sana akong sabihin sa iyo... eto na… (mapapabilang ka sa iyong sarili ng 5,4,3,2 action!)


ON CUE
Ito ang usual term na ginagamit para maayos ang set up ng isang eksena. Bago simulan ang execution ng isang eksena dapat ay “on cue” na ang lahat. In short, be ready.

Kapag nasa bahay ka at may pinagawa sa’yo tulad ng maghain sa hapag kainan, o linisin ang kwarto, minsan masasabi mo na “on cue na po." (based on my experience)

BLOCKING

Ito ang term na ginagamit para sa positions o pwesto ng mga characters sa ibabaw ng isang entablado. Kinakailangan, ang mga characters sa isang play ay nasa tamang blocking as instructed by the director.

Kapag may nakaharang sa harap mo habang may pinapanood ka, masasabi mo na lang,"Mali ang blocking ng taong ito, ‘di ko makita ung nasa harap.”


FREEZE

Isang command na binibigkas ng director na kahalintulad sa term na “cut”. Ang maliit na kaibahan dito ay kapag binigkas na ang “freeze”, para kang istatwa at mangangalay ka kapag medyo matagal ang go signal ng director.

Kagaya ng cut ‘pag may gusto mong magpapansin ay effective ang "freeze!"

INTERNALIZE

Ito ang sinasabi kadalasan ng director at stage managers bago magsimula ang rehearsal o play. Maging pati ang kapwa stage players ay binabanggit ito bilang paalala bago sumalang sa isang eksena. Usually ay ginagamit din ito sa mga workshops o activities bago magsimula ang rehearsals.

Madalas itong nasasabi kapag may nag-eemote o nagiisip ng malalim.
Example:
"Tol, okay ka lang? Mukhang nagiinternalize ka ha? Anong eksena ba yun?"

CURTAIN CALL

Ito na malamang ang pinakamasayang term sa isang production. Nakakahinga na ng maluwag ang mga casts at production staff kapag naririnig na ang salitang ito. Ito ay hudyat ng ending ng isang play. Dito lalabas lahat ng mga involved sa play at magte-take a bow sa harap ng mga manonood. Dito malalaman ang impact o dating ng palabas sa mga audience sa pamamagitan ng kanilang mga palakpak. Pero kinakailangan pa rin itong practice para maging maganda ang pagpasok at paglabas ng mga cast ng isang production….

Minsan sa isang inuman, kapag nalalasing na ang kainuman mo at napasuka mapapasambit ka na lang ng “Ayan na si pare nagcurtain call na….bow!!! heheheeh


May iba pa ba? Share n'yo naman...

Sunday, April 12, 2009

HAY, HETO PA... HETO PA!

pagbabahagi ni Jaybee Utulo



Natatawa talaga ako tuwing naaalala ko itong mga karanasan sa SI-KAT. Napakafunny noong iba tapos ang iba ay niligwak si Judy Ann Santos sa pag eemote.

• Natatandaan ko na may mga times na may nakakaaway ako sa grupo sa sobrang arte ko. Doon nagsimula ang “walk out era”. At isa sa suki ng eksenang ito ay si sir Ped lalo na ‘pag hindi na n’ya kinakaya ang pananaway… hahaha sir Ped, alam mo ‘yan. Isa rin ako sa ganyan ‘pag medyo nasaktan ako sa sinabi nila dahil makulit ako.

• Naalala ko noong nag youth camp kami sa Real, Quezon. Sa mga nandoon, you’ll agree na masama ang ugali ni Palaks, ‘di ba? ‘di ba? hahahaha… Sa kanya ko naranasan ang malupit na pagtrato sa mga nagnanais maging magaling na actor. Si Palaks naman kasi nagmamaganda at nagmamaasin! Imbidi! (imbiyerna)


• Eto pa… Ang paggapos kay Lorenzo sa puno sa beach. Akalain n’yo s’ya lang ang iginapos sa punong ‘yon... hahaha. At eto pa nga… ang pagbunot ni Van ng buhok sa ilong para lang maiyak s’ya. Natatandaan ko ‘yung scene n’ya sa workshop na parang nasa simbahan yata s’ya at nagdarasal... hahahaha. Pero in fairness, umiyak s’ya at napaka OA ng luha n’ya ha. Nagdarasal lang s’ya eh... hahahaha.

• Eto pa uli… Ang pagkairita kay Michelle… I’m sure ‘yung ibang pioneers di s’ya makikilala pero alam ni sir Ped ‘yan… hahahaha… si Michelle kasi eh.


• Ang pagsigaw ni ma’am Abeth kay Diana na, “Ano ba Diana, kung saan saan ka tumitingin... tumingin ka ng diretso!” ... hahahaha. Ang mean mean... hahahaha… pero dito ko narealize na si ma’am Abeth na terror sa English class n’ya ay kaibigan pala ‘pag nasa theater na. ‘Yong tipong, “Mabait pala si ma’am Abeth?” ‘di ba?

• Nasabihan din ako ni sir Ped ng, “Pag kasama n’yo ako ‘wag kayo magyosi kasi ayaw kong maging bad influence!” Tama nga naman si sir... hahahaha.


• Hindi ‘pa tapos, heto ang pinaka matindi: ANG PAGKA HUMALING NG MGA KALALAKIHAN KAY KAREN CATILO! Hahahaha… Aminin n’yo na halos lahat ng miyembro sa SI-KAT noon ay nagka crush kay Karen... isa na ako doon pero ngayon keribels na, wala na akong crush sa kanya... hahahaha. Sabhin nyo kung hindi nila naging crush si Karen: Gapa, Moymoy, Van, Lando, Macky at kung sino sino pa.


• Noon ay tayo ang suki ng Blue Corner na t-shirt na color black... hahaha. Lahat yata ng play natin hindi ito mawawala.

• Dito sa SI-KAT, naappreciate ko ang mga traditonal Filipino dances... katulad ng igorot chenelyn dance, singkil… ‘yun. Pinangarap ko maging dancer ng igorot pero ayaw nila eh... hahahaha. Malaswa raw ‘pag ako kaya pinag kulintang na lang ako. Inagawan pa ako ni ma’am Evelyn noong mismong presentation... imbyerna! Hahahaha


O, guys d’yan na po muna ha... babalik ako mga minsan... watch out!

Saturday, March 28, 2009

TATAK SI-KAT

pagbabahagi ni Rolando Buado



Kung ikaw ay isang certified Si-Kat member, makakarelate ka sa mga karanasang ibabahagi ko.


CHEESEBREAD


Kung mangga ang pambansang prutas ng Pinas, ang Si-kat ay may pambansang meryenda.

Masasabing certified Si-Kat member ka kung naranasan mong kumain ng Cheesebread bilang meryenda habang nasa rehearsal. Maraming produksyon na rin ang ginawa ng Si-Kat at halos sa lahat ng ito ay naging parte ang aming pambansang meryenda --- cheesebread. Kahit mga bisita hindi pinalampas, kahit mga taga-PETA, kahit si Ta-Glens, at kahit mga Hapon pa (Japanese Encounters), bidang bida ang cheesebread!


DRUM-STICKS


O hindi ito ice cream, ito ang drums at stick na parating dala dala ni sir Ped sa mga rehearsals. Mabisang-mabisa ang instrument na ito kapag si Sir Ped ang may hawak. Una, ito ang nagsisilbing "cue" sa bawat eksena. Pangalawa, ito ang nagiging beat ng mga dancers kapag wala pang background music. Pangatlo, ang aking pinakapaborito, kapag medyo shonga-shonga at hindi makuha ng aktor ang dapat nyang gawin on-stage at lalo na kapag hindi na kaya ni Sir Ped ang pressure, biglang magkakapakpak ang kawawang drum at lilipad sa buong auditorium. Peace! Ü


DANCER-ACTOR-PRODUCTION PEOPLE


Hindi pa noon uso ang callcenter pero uso na sa amin ang tinatawag na "multitasking". Yung tipong sa isang produksyon eh ikaw ang lead actor, ikaw din ang direktor, ikaw din ang dancer at minsan ikaw pa din ang choreographer. Di ba astig!? Kung nagkataon na may talent fee kami eh masasabi naming sobrang nagtitipid ang Carmel hahaha. Pero mabuti naman ang kinalabasan kasi natuto tayong maging versatile at responsible.


LATE-NIGHT REHEARSALS


Halos lahat ng productions na nagawa ng Si-Kat eh may Late-Night rehearsal lalo na kapag malapit na ang play date. Feeling ko tuloy noon eh artistang artista na ako dahil sa sobrang busy ng schedule. Isa lang hindi ko naranasan, ang magpictorial. Ü


IMPROMPTU


Mahahalatang inugatan ka na sa Si-Kat kung kaya mong makabuo ng eksena ng wala script. Ü. O wag na mag-deny, ganyan tayo dati. Ang script e natatapos lang kapag tapos na rin ang play. Minsan e naipalabas na ang play pero wala pa rin ang formal script, hehehe. Agree?


101 REVISIONS


Naniniwala ako na CHANGE lang ang permanente sa mundo. Pero sa Si-Kat, aside sa cheesebread, paborito din ito ng grupo. Yun bang hindi lang simpleng linya sa eksena ang nababago, minsan pati buong eksena binabago. Pag minalas ka pa, tatanggalin ang buong eksena. Pag sobra ka pa talagang minalas, bukas na yung play pero may babaguhin pa rin --- courtesy of our loving "Poon". Kung inugatan kana sa Si-Kat, malamang kilala mo s'ya pero kung hindi, bawal sabihin. Walang clue! Yun na. Ü


UNDER-UNDER-UNDER SHIRTS


Dahil sa dami ng eksenang bumubuo sa isang produksyon, kadalasan ay magiging suki ka talaga. Hindi lang sa isang play ko ito naranasan. Yung tipong kada eksena ay nandun ang iyong presensya. Kaya ang nangyayari, parang nagiging winter sa school kasi hindi lang doble, minsan eh triple pa ang suot mong costume. Dahil sa imposibleng makapagbihis ka pa sa tuloy tuloy na eksena ang gagawin mo na lang e suotin lahat ng posibleng masuot para hubad na lang ng hubad. Siyempre hindi maiiwasan ang aksidenteng makapag suot ka ng costume na para sa ibang eksena. Buti na lang at hindi pa ito nangyayari sa akin.


Ikaw, may alam ka pa bang Tatak Si-Kat na nais mong ibahagi?

check this site

check this site
learning English language is just a click away