Thursday, April 2, 2009

JULIUS BENJAMIN UTULO


ANG AKING HISTORY SA SI-KAT.

Dito nagsimula ang lahat ng makukulay na pangyayari sa aking buhay…

Nasa elementary pa lang, napasabak na ako sa mga pagtatanghal kagaya ng ginagawa ng SI-KAT. Palibhasa ay uto uto ako at medyo may pagkapasikat kaya kahit ang mga pakulo ng mga katekista (alam n’yo yan! hahaha) ay kasama ako. Noon pa man ay may background na ako sa teatro. Wala rin naman akong hilig sa mga theater-theater na ‘yan, nagkataon lang na siyempre ako ang paborito, kaya wala akong magagawa… hahaha!


Pumasok ako ng Mount Carmel High school taong 1996 na yata ‘yun. Tapos noon ay mayroon inihahandang play para sa CASPI General Assembly. Napanood ko ang isang play na kasama ang kapatid ko na si Majo+ so nagkaroon ako ng interes sa teatro. Ang kaunaunahang play na nasalihan ko sa Mount Carmel ay "St. Therese of the Child Jesus". nahihiya akong umarte noong una dahil akala ko ay nakakatawa ako umarte... pero ng natapos ang play, maganada naman pala ang resulta.

Isang araw ay English month na!! Yehey! ( magnonose bleed na naman ako nyan... Lagot hahaha... 'di pa naman ako magaling na magaling mag English... hahaha) So may mga activities na hinahanda. Isa ako sa tinawag ang pangalan para sa isang English play na “ Journey to the kingdom of the Sun”. Ang unang role na ginampanan ko ay isang bonggang bongga na “taong gubat". Natatandaan ko pa na ang costume ko ay lalagyan ng sibuyas...hahahaha, palong palo 'di ba? Si Ipe pa ang leader nmin... Si Enya ang suking soundtrack namin... hahaha... “Storms in Africa”? Maganda ang naging feedback ng palabas na ito. Lahat naiyak kasama na si Binibining Foronda. Ito ang isa sa ipinagmamalaki kong play na masasabi kong “superb”! at excellent!

And the rest is history!

FUNNY MOMENTS SA SI-KAT

Part One: Ang una kong body exposure…

Ito ay nangyari sa plaza sa Infanta...Isang play na inilaban namin sa iba't ibang schools. Noon usong uso sa mga actors ang under-under-under shirt (Landz, agree ako!)so habang naghihintay ako ng part, nakikipagdaldalan ako sa back stage at dahil sa sobrang kadaldalan ko hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod!!! Dali dali kong hinubad ang aking shirt pero accidentally nakasama na 'yong iba pang shirt na nasa loob. Ang ending: Lumabas ako sa buong plaza na maraming nanonood at nakahubad ako... at take note! Ako lang ang nakahubad sa buong cast… 'Di ba, boldstar! hahaha...


Part Two: Ang pagmamaasim ko kay sir Ped…

Alumni home coming at mayroon na namang palabas. So siyempre todo prepare kami sa gagawin naming part.. .hehehe. Si Pakto, kung 'di ba naman kasi epal 'tong si Pakto, ay inaya ako sumama sa pag aanounce para sa home coming sa buong bayan…. so natapos ang halos maghapon sa pag libot sa iba't ibang barangay. Dumating kami sa auditorium... nakita ko si sir Ped na naniningkita at naiiyamot na sa galit... hahaha so heto na ang eksena...

tumakbo na ako sa back stage para makapag rehearse... takbo! takbo! nang biglang sumigaw si sir Ped, “Freeze! JB, alis ka d'yan.” with matching turo sa akin. Natakot ako at medyo nagtampo. Ako na nga nag anounce, papagalitan pa... so hinablot ko ang bag ko at inilagay ang mga damit sa loob, sabay sabing, “ALIS NA AKO!" na nangingiyak ngiyak... hahaha. Siyempre mahal ako ni sir Ped kaya ina-yo ako sabay tawa... Ang arte!


Dalawa pa lang 'yan sa mga most treasured moments ko sa SI-KAT...
Hindi palibhasa actor ka, seryoso ka na. Masasabi ko na isa sa pinaka maraming naibigay na magagandang alaala sa akin ay ang SI-KAT. Lahat ng klaseng tao makikilala mo.. may suplada, bakla, may pagka tomboy, maarte, sosyal, simple, maingay, tahimik… at kung anik anik pang eklavoush! Pero lahat kami pantay pantay, walang mataba at payat, walang maitim at maputi, walang matanda o bata.. Lahat dito nagmamahalan... Lahat magaling

SI-KAT SA AKING BUHAY

Isa ang sikat sa nagpalago at humubog sa aking pagkatao, dito ko natutunan maging isang kapatid at isang kuya sa mga nakakabata na myembro, isang guro na nagtuturo ng magagandang halimbawa, isang bunso na handang matuto sa nakakatanda (sir Ped. Charot! Dito ako natututong sumayaw sa iba't ibang klase ng musika, umarte sa iba't ibang katauhan at ang higit sa lahat na ipinagpapasalamat ko ay dito ko nadiskubre ang talento ko sa pag awit na kung saan ay dala dala ko hanggang ngayon at lagi kong ipinagmamalaki. Kailan man ay 'di ko makakalimutan ang aking mahal na grupo. 'Pag tanda ko… kung mayroong SI-KAT pa.. Lahat ng mga anak ko... Lahat sila isasali ko para lumaki silang maarte. Chos! ... para lumaki silang talented.


SI-KAT, you’re the man!! Awoo awoo!!

2 comments:

Anonymous said...

tandang tanda ko pa yang pagbobold mo na yan! hahaha..

kaya ata tayo nag first place kc sa pinakita mong nipples heheh.. joke!

sarap mag balik tanaw!

ped mercado said...

ha ha ha.. so si jhaybee pala ang nagpapanalo sa competition na 'yun... hehehe walang kupas!

if i recall the competition correctly, it was actually written and directed by students. ito yata 'yung time na talaga namang natuto na sa pagtayo sa sariling paa ang si-kat. i was very proud of that moment... considering i assisted another group of students from tongohin highschool... the tongohin group came in second, and si-kat bagged the top pize!

check this site

check this site
learning English language is just a click away