Saturday, July 4, 2009

ASIAN MOVEMENT WORKSHOP



Matapos ang Blog Orientation Workshop noong umaga ng June 18, ay hindi nagtapos doon ang aking immersion with the SI-KAT core group. Hapon ng araw ding 'yon ay nagkaroon kami ng Asian Movement Workshop. Mukhang kinarir ba?

Sinamantala ko lang ang pagkakataon para rin magbonding kami. With all honesty, masaya kasama ang grupo. I was able to feel the enthusiasm in them. That afternoon, I taught them the basic Tai Chi movements. Siguro magtataka kayo at saan ko naman napulot ang mga kaetchingan na ito. E hindi nga ba at ako ay isang guro sa isang Chinese school dito sa Brunei. Nagkataon na bago ako lumipad patungo sa Pilipinas ay may pinaghahandaan kaming presentation for the Sultan's birthday. At dahil kailangan ay may touch of Chinese culture, napagkasunduan na Tai Chi ang gawin. So, hayan ang history kung bakit ako ay may naibahagi sa core group na isang Asian Movement. Sa tulong ng walang kamatayang Enya music ay nabuo naman namin ang ilan sa mga Tai Chi movements. For two hours, at least, we were able to make use of our time productively and creatively.

Hindi doon nagtapos, I asked them to make use of Tai Chi movements, modify them at magbuo ng sayaw-galaw gamit ang kanilang natutunang mga galaw.Ang "Paraiso" ng Smokey mountain ang napili ko gamitin.



Nakakatuwa kasi ang bilis ng output at walang kahirap hirap na nakabuo ang grupo. Mabilis ang pick up at ramdam ko na bihasa at sanay na ang mga bagets pagdating sa ganitong mga bagay. It was a relief kasi hindi ako napagod.

Sana maulit. Naisip ko tuloy na sa susunod naman ang mga Malay-inspired movements naman ang ibabahagi ko para makumpleto ang series of Asian Workshop Movements. While writing, naisip ko tuloy, ang gandang gawan ng module ito.hehehehe

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away