Friday, November 13, 2009

ANG SI-KAT, MAY KAPATID NA









Matagal bago nasundan ang huling post dito dahil na rin siguro sa napakaraming dahilan...

Nitong mga nakaraang mga buwan ay naging abala ako sa pagbuo ng isang children's theatre group dito sa aking paaralan, ang Chung Lian School. Hindi ko nga alam kung magiging ok at sakto dahil sa hindi ko naman forte ang mga bulingit.Kalimitan kasi ay theatre workshop for teens ang naibibigay ko dahil na rin sa mahabang panahon ko na pagtuturo ng secondary level. Pero open naman ako sa mga bago...



Mabibilang sa kamay ko ang mga children's theatre workshops na naibigay ko.'Yung una ay sa POVEDA na kinarir ko na lang dahil sa pakisuyo ng isang kaibigang guro. Tapos, medyo blanko na ang memorya ko. Nagbigay din ako ng Children's Theatre Workshop dito sa Brunei para sa isang project ng mga magkakalapit na school sa Belait district, ang University for Children na nag offer ng module ng Children's Theatre. 'Yun na yun.





Kaya isang challenge para sa akin ang bumuo ng isang grupo na ang mga miembro ay nasa primary level, as in lower primary level.



Nakakatuwa at nakahinga na ako ng maluwag. Ito na nga. Ang pangalan ng grupo ay Kids' Playhouse Theatre Group (KPT).



Last Teacher's Day celebration nagpresent ang mga mga bata batuta sa madla ng tatlong short plays. Stories for Children: Sun and Wind, The Lion and the Mouse, The Boy who cried Wolf.
Maganda ang feedback from the audience at sa mga magulang na tuwang tuwa sa kanilang mga anak.

Kaya naman 'di doon nagtapos. Ngayong 15th November 2009 ay naimbitahan sila na magpresent ng isang short play din to promote a healthy lifestyle para sa celebration ng Ministry of Health dito sa Lumut-Liang area. Ang guest of honour na manonood ay ang Minister of Health mismo dito sa Brunei.



Nagkaroon kami ng series of workshops and mounting of mini stage plays.
Masaya... nakakapagod... nakakapanibago... pero totoo na nga ito. May kapatid na ang SI-KAT.

Katatapos lang ng rehearsal at ang mga bata ay kumportableng kumportable na. nakakatuwa at disiplinado sila at alam ang gagawin.Hindi ako binigyan ng sakit ng ulo.

Bigla nga akong napaisip na sa maiksing panahon ay nakalima na palang presentations ang mga bata na ipinalabas sa paaralan mismo at kasama na itong una nilang pagtatanghal na isang pampublikong event.

At present time ay nasa proseso na rin ako ng paggawa ng blogsite ng grupo.

Malayo layo pa ang pwedeng marating pero sana magtuloy tuloy ito tulad ng SI-KAT kahit ako ay wala na sa school. Sana nga rin ay magkaroon ng interaction in the future ang SI-KAT at ang CPT.Malapit lang naman ang Brunei. Who knows? 'Di masama ang mangarap, hindi ba?

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away