Sunday, April 12, 2009

HAY, HETO PA... HETO PA!

pagbabahagi ni Jaybee Utulo



Natatawa talaga ako tuwing naaalala ko itong mga karanasan sa SI-KAT. Napakafunny noong iba tapos ang iba ay niligwak si Judy Ann Santos sa pag eemote.

• Natatandaan ko na may mga times na may nakakaaway ako sa grupo sa sobrang arte ko. Doon nagsimula ang “walk out era”. At isa sa suki ng eksenang ito ay si sir Ped lalo na ‘pag hindi na n’ya kinakaya ang pananaway… hahaha sir Ped, alam mo ‘yan. Isa rin ako sa ganyan ‘pag medyo nasaktan ako sa sinabi nila dahil makulit ako.

• Naalala ko noong nag youth camp kami sa Real, Quezon. Sa mga nandoon, you’ll agree na masama ang ugali ni Palaks, ‘di ba? ‘di ba? hahahaha… Sa kanya ko naranasan ang malupit na pagtrato sa mga nagnanais maging magaling na actor. Si Palaks naman kasi nagmamaganda at nagmamaasin! Imbidi! (imbiyerna)


• Eto pa… Ang paggapos kay Lorenzo sa puno sa beach. Akalain n’yo s’ya lang ang iginapos sa punong ‘yon... hahaha. At eto pa nga… ang pagbunot ni Van ng buhok sa ilong para lang maiyak s’ya. Natatandaan ko ‘yung scene n’ya sa workshop na parang nasa simbahan yata s’ya at nagdarasal... hahahaha. Pero in fairness, umiyak s’ya at napaka OA ng luha n’ya ha. Nagdarasal lang s’ya eh... hahahaha.

• Eto pa uli… Ang pagkairita kay Michelle… I’m sure ‘yung ibang pioneers di s’ya makikilala pero alam ni sir Ped ‘yan… hahahaha… si Michelle kasi eh.


• Ang pagsigaw ni ma’am Abeth kay Diana na, “Ano ba Diana, kung saan saan ka tumitingin... tumingin ka ng diretso!” ... hahahaha. Ang mean mean... hahahaha… pero dito ko narealize na si ma’am Abeth na terror sa English class n’ya ay kaibigan pala ‘pag nasa theater na. ‘Yong tipong, “Mabait pala si ma’am Abeth?” ‘di ba?

• Nasabihan din ako ni sir Ped ng, “Pag kasama n’yo ako ‘wag kayo magyosi kasi ayaw kong maging bad influence!” Tama nga naman si sir... hahahaha.


• Hindi ‘pa tapos, heto ang pinaka matindi: ANG PAGKA HUMALING NG MGA KALALAKIHAN KAY KAREN CATILO! Hahahaha… Aminin n’yo na halos lahat ng miyembro sa SI-KAT noon ay nagka crush kay Karen... isa na ako doon pero ngayon keribels na, wala na akong crush sa kanya... hahahaha. Sabhin nyo kung hindi nila naging crush si Karen: Gapa, Moymoy, Van, Lando, Macky at kung sino sino pa.


• Noon ay tayo ang suki ng Blue Corner na t-shirt na color black... hahaha. Lahat yata ng play natin hindi ito mawawala.

• Dito sa SI-KAT, naappreciate ko ang mga traditonal Filipino dances... katulad ng igorot chenelyn dance, singkil… ‘yun. Pinangarap ko maging dancer ng igorot pero ayaw nila eh... hahahaha. Malaswa raw ‘pag ako kaya pinag kulintang na lang ako. Inagawan pa ako ni ma’am Evelyn noong mismong presentation... imbyerna! Hahahaha


O, guys d’yan na po muna ha... babalik ako mga minsan... watch out!

2 comments:

Anonymous said...

oo na ta JB, crush ko si ate Karen! hehehe..

indeed, dami ko nga blue corner shirts noon! Black, white, blue, red, at yellow! hehehe... halos makumpleto ko na ang rainbow colors.

about sa dance, may tama ka! halos lahat na ata ng sayaw nagawa na natin. halos lahat ng klase ng costume nasuot na ntin.

hay.. nakakamiss..
gusto ko na ulit gumawa ng play.

coleen said...

oo nga gusto ko na gumawa ng props.. :)

check this site

check this site
learning English language is just a click away