Saturday, March 28, 2009

TATAK SI-KAT

pagbabahagi ni Rolando Buado



Kung ikaw ay isang certified Si-Kat member, makakarelate ka sa mga karanasang ibabahagi ko.


CHEESEBREAD


Kung mangga ang pambansang prutas ng Pinas, ang Si-kat ay may pambansang meryenda.

Masasabing certified Si-Kat member ka kung naranasan mong kumain ng Cheesebread bilang meryenda habang nasa rehearsal. Maraming produksyon na rin ang ginawa ng Si-Kat at halos sa lahat ng ito ay naging parte ang aming pambansang meryenda --- cheesebread. Kahit mga bisita hindi pinalampas, kahit mga taga-PETA, kahit si Ta-Glens, at kahit mga Hapon pa (Japanese Encounters), bidang bida ang cheesebread!


DRUM-STICKS


O hindi ito ice cream, ito ang drums at stick na parating dala dala ni sir Ped sa mga rehearsals. Mabisang-mabisa ang instrument na ito kapag si Sir Ped ang may hawak. Una, ito ang nagsisilbing "cue" sa bawat eksena. Pangalawa, ito ang nagiging beat ng mga dancers kapag wala pang background music. Pangatlo, ang aking pinakapaborito, kapag medyo shonga-shonga at hindi makuha ng aktor ang dapat nyang gawin on-stage at lalo na kapag hindi na kaya ni Sir Ped ang pressure, biglang magkakapakpak ang kawawang drum at lilipad sa buong auditorium. Peace! Ü


DANCER-ACTOR-PRODUCTION PEOPLE


Hindi pa noon uso ang callcenter pero uso na sa amin ang tinatawag na "multitasking". Yung tipong sa isang produksyon eh ikaw ang lead actor, ikaw din ang direktor, ikaw din ang dancer at minsan ikaw pa din ang choreographer. Di ba astig!? Kung nagkataon na may talent fee kami eh masasabi naming sobrang nagtitipid ang Carmel hahaha. Pero mabuti naman ang kinalabasan kasi natuto tayong maging versatile at responsible.


LATE-NIGHT REHEARSALS


Halos lahat ng productions na nagawa ng Si-Kat eh may Late-Night rehearsal lalo na kapag malapit na ang play date. Feeling ko tuloy noon eh artistang artista na ako dahil sa sobrang busy ng schedule. Isa lang hindi ko naranasan, ang magpictorial. Ü


IMPROMPTU


Mahahalatang inugatan ka na sa Si-Kat kung kaya mong makabuo ng eksena ng wala script. Ü. O wag na mag-deny, ganyan tayo dati. Ang script e natatapos lang kapag tapos na rin ang play. Minsan e naipalabas na ang play pero wala pa rin ang formal script, hehehe. Agree?


101 REVISIONS


Naniniwala ako na CHANGE lang ang permanente sa mundo. Pero sa Si-Kat, aside sa cheesebread, paborito din ito ng grupo. Yun bang hindi lang simpleng linya sa eksena ang nababago, minsan pati buong eksena binabago. Pag minalas ka pa, tatanggalin ang buong eksena. Pag sobra ka pa talagang minalas, bukas na yung play pero may babaguhin pa rin --- courtesy of our loving "Poon". Kung inugatan kana sa Si-Kat, malamang kilala mo s'ya pero kung hindi, bawal sabihin. Walang clue! Yun na. Ü


UNDER-UNDER-UNDER SHIRTS


Dahil sa dami ng eksenang bumubuo sa isang produksyon, kadalasan ay magiging suki ka talaga. Hindi lang sa isang play ko ito naranasan. Yung tipong kada eksena ay nandun ang iyong presensya. Kaya ang nangyayari, parang nagiging winter sa school kasi hindi lang doble, minsan eh triple pa ang suot mong costume. Dahil sa imposibleng makapagbihis ka pa sa tuloy tuloy na eksena ang gagawin mo na lang e suotin lahat ng posibleng masuot para hubad na lang ng hubad. Siyempre hindi maiiwasan ang aksidenteng makapag suot ka ng costume na para sa ibang eksena. Buti na lang at hindi pa ito nangyayari sa akin.


Ikaw, may alam ka pa bang Tatak Si-Kat na nais mong ibahagi?

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away