Monday, March 23, 2009

MARK AGUSTINE ILAGAN


Ang SI-KAT ang isa sa mga grupong ‘di ko malilimutan at ito ay mananatili sa buhay ko. Pero bago pa man nagsimula ang samahang ito ay naranasan kong makasali sa isang theater play production which I accidentally became a part. Dito ko rin nakilala si sir Ped, ang founder ng SI-KAT.

Taong 1997, isa akong 2nd year transferee sa Mount Carmel High School from Manila. Nag-aadjust pa ako noon at nagsisimula pa lang sa pag-adopt ng atmosphere sa bago kong school. May naging kaibigan ako doon, si Che-che Morilla na that time ay involved sa isang play sa school. Madalas akong sumama sa kanyang mga rehearsals. One time, wala ang isa sa mga actors ng play at kailangan ng mapolish ang rehearsal dahil malapit na ang playdate nito. Dahil sa kakapanood ko at kakasama ko kay Che che, bigla akong tinawag ng isa sa mga coordinator ng play at ako ang ipinalit sa role ng absent na actor. Waaaaaaaaa!!! Anong malay ko naman sa pag-arte?Napasubo na ako kaya pumayag na rin ako. Maliit lang naman ang role ko sa play na iyon, isang magsasaka na nagaararo ng bukid ka, walang dialogue, galaw lang. ‘Di ko alam na makakasama ko si sir Ped. Kasama rin s’ya sa play at ginampanan nya ang role ng isang pari. Akala ko matatapos na ang experience ko sa pag arte pero iyon pala ang simula ng isang mas maganda at mas makahulugan na karanasan para sa akin….

Sa pangalawang pagkakataon ay nakasama ako ulit sa isang play; isang theatrical play tungkol kay San Lorenzo Ruiz. Ang in-charge ng palabas na iyon ay si sir Ped at ang role na ginampanan ko noon ay si Lazaro ng Kyoto, isang hapon na kasamang inusig at pinatay kasama ni San Lorenzo Ruiz na ginampanan ni Mark Anthony Romantico. Kasama ko rin dito sina Mark Anthony Avellaneda at Andrew Chan bilang mga paring martir na ibinuwis ang buhay alang-alang sa pananampalataya. Napakalaki ng opportunity ng pagkakasali ko dito dahil sa nakasama ako sa isa sa mga pinakasuccessful na palabas na ginawa sa school that time. ‘Di lang yun, ilang ulit naipalabas ang play na ito at maging sa labas ng school ay naipalabas din.

At maliban sa pag arte ay isa rin ako sa mga tumulong gumawa ng choreography ng nasabing play. ‘Di ko akalain na magagawa ko ang mga iyon. Nilapitan ako ni sir Ped para magbigay ng creative input sa mga movements at sayaw. Medyo nahihiya pa ako noon pero sa tulong ni sir Ped ay tumaas ang self esteem at confidence ko. Malaki ang mga naitulong ng mga workshops na pinamunuan nya. Simula noon ay madalas na akong mapabilang bilang isa sa mga choreographers ng mga ipinapalabas sa Mount Carmel.
Nakasama rin ako sa technical group ng mga plays kasama si Jonathan Florante. Naging in-charge kami sa mga tunog na nilalapat sa isang play. Nariyan ang sound effects, background music, dance songs, at lighting effects.

‘Di pa doon natapos ang involvement ko sa pag arte, Nakasama din ako sa isang production kung saan ang naging role ko ay ang maging director. Isang malaking hamon ang nasabing role dahil ako ang namahala ng pagpapatakbo ng palabas. Nariyan ang pagfacilitate ng mga workshops bago sumalang sa rehearsals, ang pagbabahagi ng mga ilang detalye sa script, ang paggabay at pagtulong sa mga kapwa mag-aaral na artista kung paano ipo-portray ang kanilang mga karakter sa harap ng entablado at tamang atake ng pagbibitiw ng dialogue, ang tamang blocking at pacing ng bawat eksena, atbp. Salamat sa mga turo at advices ni sir Ped at nagagawa ko naman ng maayos ang pagiging director. Mula noon ay madalas na akong nakakasama sa mga production bilang tao sa likod ng entablado. Hindi nakikita pero may malaking bahagi sa isang produksyon.
Ang ilan sa mga plays na nasalihan ko sa likod at harap ng entablado ay: CASPI play (magsasaka), San Lorenzo Ruiz(Lazaro of Kyoto), Bagong Pilipino(director), Makabagong Bayani (main cast / assistant director), Kristo, (Hudas/director) at marami pang iba.
At ng mabuo ang SI-KAT ay isa ako sa mga napiling mamuno ng nasabing samahan. Bilang isa sa mga seniors ng grupo, nagawa namin pausbungin ang samahan. Maraming mga kapwa mag aaral ang nahikayat na sumali at naging interesado sa larangan ng pag-arte, pagsayaw at pagkanta. Isang malaking tagumpay para sa aming lahat ang mapabilang sa SI-KAT na ngayon ay kinikilala sa loob at labas ng Mount Carmel .

Malaki ang naitulong ng SI-KAT sa aking sarili. Nadiskubre ko ang mga talento ko na hindi ko akalaing meron pala ako. Nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko at lumabas ang pagiging malikhain ko. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa iba’t ibang antas sa aming paaralan, At higit lahat, isang malaking factor ang SI-KAT para makumpleto ang aking “high school life”.

At kahit na ilang taon na ang nagdaan, nanananatili ang SI-KAT at nariyan pa rin sa Mount Carmel School . Hinding hindi ko malilimutan ang mga ala-ala ng SI-KAT sa aking buhay. Dito ko nakilala ang mga tunay na kaibigan. Bagama’t ang iba ay may mga sarili ng buhay, hindi nawawala ang pagkakaibigan. Nagagawa pa rin magkita sa mga okasyon at maasahan pa rin sa panahon ng kagipitan.

Ito ay isang karanasang di malilimutan at bagkus ay maipagmamalaki kailanman…
Ako po si Mark Augustine A. Ilagan aka agustin, austin , proud to be one sa SI-KAT!

‘Habang may buhay, may pag-asa; habang may pag-asa may buhay.’

- Mark Agustine Ilagan

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away