Monday, March 30, 2009

ROLANDO P. BUADO JR.


“ Malaya ka na Pilipino. Kagitingan mo’y isisigaw sa buong mundo,sa buong mundo.
Kasarinlan at kalayaan, patuloy kong ipaglalaban. Taglay ang bagong anyo ng pag-asa. Pilipino aking kapatid... Mabuhay ka! Mabuhay ka!”


"Magiging katulad din nila ako"

Bago pa lang ako tumuntong ng high school, napanood ko na ang ilang piling students ng Mount Carmel na magperform at nasabi ko sa sarili ko noon na magiging katulad din nila ako. It was right after my elementary graduation, April of 1998, when I performed “Bagobo Dance" (Rice Cycle Dance originated from Davao) para sa Cultural Night ng Piyesta ng Bayan. Ang sayaw din na ito ang nagsilbing daan para makapasok ako sa Si-Kat. Wala pa akong idea kung ano ang Si-Kat (Sibol ng Kabataang Teatro) at kung ano ang meron dito. Ang tanging gusto ko lang ay makita ang sarili ko na sumasayaw sa entablado dahit ito ang hilig ko mula pa pagkabata at masasabi kong ito talaga ang talento ko.


"Ang Bagong Pilipino at ang Bagobo"

Noong nasa ika-unang antas na ako, Mount Carmel hosted the CASPI General Assembly at dito nabuo ang stage presentation na “Bagong Pilipino”. Hindi ko sukat akalain na ang maliit na role na naibigay sa akin ang siyang magiging stepping stone ko sa mas masaya at makabuluhang buhay high school. Ito ang kauna-unahang stage presentation na aking nasalihan na binuo ng Si-Kat. Being part of the presentation was one of my high school achievements because this served as the birth of my theater career, hehehe. Naalala ko pa noon na naghanap sila ng maaaring sumayaw ng folk dance at nagkataon naman na halos lahat ng miyembro ng Bagobo Dance ay sa Mount Carmel nag-aaral. Dahil sa ako ang pinuno ng nasabing sayaw, ako na rin ang naatasang maging choreographer at nagturo sa mga bagong miyembro ng sayaw. Dahil din sa sayaw na ito, mas nakilala ako ng mga miyembro dahil sa linyang isinisigaw ko sa unang parte ng sayaw --- "Agbagay kay siniting lawas ko. Asta pagkasing kasing ko. Lupido! Afelimong datu!" Naalala ko pa si ate Karen Catilo na ang tawag sa aking ay Agbagaykay, samantalang ang iba naman ay Heheheroweh ang bansag sa akin.


"Pagsayaw at Pag-arte"

Akala ko nung una ay simpleng folk dance number lang magiging partisipasyon ko sa produksyon pero hindi pala. Nakasama din ako sa iba't ibang sayaw-galaw na bahagi ng produksyon tulad ng ang bahagi kung saan nabuo ang Pilipinas mula sa teyorya ng pagputok ng bulkan. Ang bahagi kung saan ibinato ni Sir Ped ang drum dahil sa hindi mabigkas ni Kenneth ang linyang "We are here to help" kung saan para kaming mga puppet na nagsabayang bigkas ng A-apple, B-ball, C-cat. Siyempre kailangan perkpekto ang eksenang ito dahil English Major ata ang aming direktor at dahil sa baluktot naming dila, talagang sa part na ito ng rehearsal kami tumatagal. I also portrayed a child being abused at natatandaan ko pa na si ate Cheche Morilla ang gumanap na nanay ko. "Maawa na po ka'yo!", ang tanging linya na nasolo ko hahaha. Maiksi pero makabuluhan, punong puno ng emosyon at challenging lalo na sa first time na katulad ko. Marami pang sayaw-galaw ang kinailangan para mapaganda ang produksyon at siyempre ang pinaka-memorable ay nang sayawin ng buong grupo ang "Mabuhay Ka Pilipino" bilang pang-finale.


"Trained to be Leaders"

Habang ginagawa ang produksyon, maraming experience ang talaga namang hindi ko malilimutan, maraming una ika nga nila. Una kong naranasan ang mag theater workshop. Hindi lang basta basta dance workshop kundi pati na rin ang acting workshop. Dito kami unti unting tinanggalan ng kahihiyan sa buhay este hiya pala sa katawan Ü. Dito ko rin mas nakilala at nakaclose ang aking mga kuya at ate sa Carmel na dati ay pinapanood ko lamang at lubos na hinahangaan. Mas lalong nahasa ang aking talento at nakadiskubre pa ako ng ibang bagay na kaya ko rin pala gawin. Nahasa ang aking creativity dahil sa mga workshops at natuto akong mag improvise. Naging mas confident din ako at natutong magtiwala sa aking sarili at sa mga kaya ko pang gawin. Dito ko rin nakilala ang PETA (Philippine Educational Theater Association) na naging katuwang ng Si-Kat sa loob ng mahabang panahon. Nakasama din ako sa grupo ng mga estudyante na nagturo at nagpaworshop sa ibang pang kabataan ng Infanta galing sa iba't ibang paaralan. We were trained not just to be a good performer but also to be a good leader.


"Paghubog ng buong pagkatao"

Sobrang daming karanasan at aral ang natutunan ko simula nung sumali ako ng Si-Kat. Hindi ako nahirapang mag adjust sa high school life ko dahil masasabi kong sa unang taon ko pa lang sa Carmel eh sobra sobrang exposure na ang naibigay sa akin. Talagang maraming pinto ang nagbukas dahil sa pagiging bahagi ko ng "Bagong Pilipino". Hindi boring kumbaga kasi nandyan ang Si-Kat na naging pambalanse ng naging buhay estudyante ko. Tunay na nahubog ang buong pagkatao ko sa tulong ng Carmel at siyempre ng Sibol ng Kabataang Teatro.

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away