Saturday, March 21, 2009

SAN LORENZO RUIZ, PILIPINONG MARTIR...1997



Taon taon ay ipinagdiriwang sa Mt. Carmel School ang kapistahan ni San Lorenzo, ang kauna unahan at bukod tanging Pilipino na santong martir. Kaya naman hindi mawawala na mayroong drama presentation tungkol sa buhay n'ya.Ang nasa ikalawang antas ang s'yang naghahanda para sa presentation na ito.Katuwang ang guro sa Kristyanong Paghubog at ang si-kat, bumubuo ng isang palabas sa entablado na gumugunita sa kanyang simpleng buhay na tinawag sa kabanalan. Ang lahat ng mag aaral mula sa una at ikaapat na antas ay sama samang nanonood sa auditorium ng paaralan upang masaksihan ang dakilang buhay ng isang Pilipinong Santo.

Sino ang makakalimot sa kanyang mga huling salita habang nasa kamay ng kamatayan:
ISANG LIBO MAN ANG BUHAY KO AY IAALAY KONG LAHAT SA DIOS!

Taong 1997, gumanap bilang San Lorenzo Ruiz si Mark Anthony Romantico. Malalim ang akting at characterisation ni Mark. May pinaghuhugutan ng emosyon ang bata at kahit na sa murang edad ay nagawang n'yang pulido ang kanyang pagganap. Binigyan sya ng resounding applause sa kanyang execution scene sa play na ito. Bihirang mangyari ito sa mga palabas sa Carmel, but that moment, he was able to glue the eyes and hearts of the audience and even moved them to tears. HIndi mabilang ang palakpak at magandang feedback. Naipalabas din ang production na ito ng maraming beses.No more questions asked, it was the most successful Lorenzo play I've seen in Carmel.


Kasama ang piling mga estudyante sa second year noon, naging memorable ang palabas na ito. Masasabi kong ito ang nagbigay daan sa pagsilang ng si-kat. Nakita rito na puedeng gumawa ng matino at de kalidad na presentation ang mga bata, at sila ay hinog na para bumuo ng isang theater group.

Bukod dito, mas nabigyan ng pahalaga ang technical na aspeto ng production lalo na paglapat ng tunog at musika sa palabas na lalong nakadagdag ng malaki upang makapasok ang manonood sa kuento ng buhay ni San Lorenzo. Salamat kay Jonathan Florante, isang estudyante at kaibigan din na nakasama sa iba't ibang mga youth seminars and camps. Siya ang tumayong sounds director ng si-kat. Wala akong nakitang mas hihigit sa kanyang tiyaga at talento sa area na ito. Sa kabila ng aming mga arguments and discussion, nanatili s'ya sa si-kat at masasabi kong isa talaga s'ya sa mga founding members nito.

Nabigyang pansin din ang choreography and movements na nakita sa play. Lahat nagtulong tulong para mabuo ng maayos ang mga galaw. Sa kabuuan, napahalagahan ang mga gumagawa sa likod ng produksyon. Nakilala sila at nabigyan ng merit.

Para sa akin, isang malaking bahagi ng aking sarili ang nabuksan... Nasabi ko sa sarili ko na kaya ko palang magdirect at magsulat para sa isang play. Isang nakakatuwa at overwhelming na karanasan.

Naging bahagi ka ba ng play na ito? Baka gusto mong magshare...

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away