Saturday, March 21, 2009

BINYAG NG SI-KAT



Dahil nga sa nabuo na ang barkadahan pagkatapos ng matagumpay na English play production na Journey to the kingdom of the Sun, hindi rito tumigil ang si-kat. Dahil nga sa maganda ang naging resulta ng play ay mas dumami ang nagkainteres na sumali sa grupo. Kung dati rati ay ang Sports club ang s'yang may pinakamaraming nag aaplay na members, bigla namang bumuhos ang sa drama club. Noong panahong yun (1997 to 1998) ay wala pang pangalan ang grupo.

So, kelan nagkapangalan?

Dahil uso rin noon ang mga youth camps sa prelature of Infanta, nag organise ang grupo ng mga senior members ng isang theater arts camp at s'yempre ako ang pasimuno nito...hehehe. Ang pinakamatandang pasimuno. Nagkaroon kami ng overnight theater workshop ala bonding na rin sa tahanang nazareth sa Tongohin. Salamat kay Ta Glens na s'yang sumuporta sa amin para makuha namin ang lugar ng libre. Walang sponsor ito. Kanya kanyang baon, kanya kanyang gastos. Doon ko nakita na bumaha ng de lata sa dami ng pagkain na dala ng mga bagets. Di ko lubos maisip na sa dalawang araw namin ay puro de lata ang pagkain namin. May mga bayani noon na in charge sa pagkain at kaayusan ng lugar. Salamat sa mga senior members noon na batch '99.

Eto na. Gabi ang setting sa loob ng retreat house. Nag eemote ang ilan sa mga damuhong mga bata. Masaya ang karamihan dahil sa bagong tropa na nabuo. nag usap usap tungkol sa buhay buhay. Nagshare tungkol sa kanilang mga sarili. Kami kami ang facilitators at participants. Sariling kayod 'ika nga. At dahil nga buo na ang barkadahan, naisipan namin na pangalanan ang grupo. Kung ano ano ang mga naisip na pangalan. May nakakatawa , may corny, may super seryoso na parang mafia ang dating ng grupo. Finally, Miles Suaverdez came to the rescue. She named the group: SIBOL NG KABATAANG TEATRO at kapag pinaiksi mo ito ay si-kat (lightrays) hindi yung sikat na famous.

Natuwa ang marami at mula noon ay ito na nga ang naging binyag sa theater group ng Mt. Carmel.Salamat, Miles.

Were you there when it happened? Ano ang natatandaan mo pa? Feel free to add the missing details.

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away