Sunday, March 22, 2009

JONATHAN FLORANTE


I remember San Lorenzo Ruiz (1997) ang kaunahang theatrical play na sinalihan ko noong nasa highschool pa ako. Second year ako noon.

Dito nagsimula ang karir ko bilang production staff... bilang taga lapat ng tunog at musika sa play. Sa una, medyo nag adjust ako pero nakuha ko rin naman agad ang role ko bilang isang Sounds Director sa tulong syempre din ng aming director.

Kumpleto naman kami noon sa materials like tapes... mostly OST (official soundtrack) kaya akala ko pipili na lang ng gagamiting track/s. Pero hindi pala ganun 'yun...Akala ko kung ano lang magustuhan na music ay iyon na.

Then natutunan ko na I also have to know the script, the mood, the setting, etc.. para alam ko rin kung ano ang ilalapat na musika. Ang sabi nga sa akin ni sir ped noon,"Kung pipili ka ng background music natin, you should know what would be its impact to the audience who are watching our play." By that time,siyempre sa murang edad ko, I was just starting to build my skills.

Tinatanong ko nga sa sarili ko noon kung sa technical aspect nga ba ako mag e-excel. Hayun... almost all of the plays we produced noon ay ako ang nasa likod ni sir ped bilang isang Techical and Sounds Director.Nakasama ko rin madalas noon si Mark Agustin Ilagan sa technical during our set ups before the play lalo na noong nag fourth year (senior) na kami dahil sa mga student council activities.

Malaki talaga ang naitulong sa 'kin ng SI-KAT. Dito nagsimula ang pundasyon ng pagkakaibigan namin ng mga kaklase noong high school pa ako. Until now, kahit may mga sari sarili na kaming pamilya, maaasahan pa rin ang bawat isa. Alam mo 'yun, kahit matagal na kaming hindi nagkikita kita, nandoon pa rin ang dating samahan. 'Di kumukupas. Sa SI-KAT, para sa akin ay walang plastik... totoo ang samahan at sariling pinapakita ng bawat isa.

Bukod tangi talaga ang SI-KAT. Dito natulungan ko ang aking sarili na mahubog ang aking talento at tiwala sa sarili. Ang dami naming pinagdaanan ni sir ped noon. Ang pagiging late ko palagi... ang palpak na trabaho, etc. Pero sabi nga hindi ka matututo kung hindi ka madadapa... we should learn from our mistakes.

Akalain mo ngayon, I am working in one of the biggest broadcasting companies dito sa Pilipinas, sa TOD(technical operation division)ng ABSCBN News and Current Affairs. Ang huli ay nasa likod ng mga programang inyong pinapanood. naks!

PARA SA LAHAT:

"Believe in God. . . sundan mo ang kanyang SIKAT sa bawat tatahakin mong daan."
- Jonathan Florante (jflor)

No comments:

check this site

check this site
learning English language is just a click away