
Maraming taon na rin pala ang nakalipas. Taong 1998 ng magsimula ang si-kat (sibol ng kabataang teatro). Hindi ko kailanman ito malilimutan dahil higit sa pag usbong ng isang grupo, nakita ko na nabuo ang isang magandang samahan…ang pagkakaibigan at kapatiran.
Ang naging sinapupunan at magpahanggang ngayon ay tahanan ng si-kat ay ang Mt Carmel High School sa Infanta, Quezon na ngayon ay Mt. Carmel School of Infanta na. Syempre marami na ang nabago sa pag usad ng panahon pero buo pa rin ang si-kat at patuloy na lumalago. Nakakatuwang isipin na mula sa payak na simula, ito ngayon ay naging isang matibay na kabahagi ng kasaysayan ng paaralan ng Mt. Carmel. Bukod dito, ang si-kat ay naging bahagi rin ng buhay ng mga batang miyembro na nagpamalas ng angking talino sa teatro. Sa ngayon, ang si-kat ay isang instrumento sa paghubog hindi lamang ng talento at kamalayan ng mga mag-aaral sa Mt. Carmel kundi maging ng buong pagkatao nila.
Paano nga ba nagsimula ang lahat?
Samahan n’yo nga ako na alalahanin at magbalik tanaw sa nakaraan. Sa totoo lang, marami na rin akong nalimutan na mga pangyayari at nitong mga nakaraang taon ay medyo ‘off line’ ako sa mga latest na kaganapan sa si-kat. Saka hindi lang naman ako ang bumubuo ng si-kat, tayong lahat na miyembro ay bahagi ng kabuuan nito. Buuin natin ang mga pinagtagpi-tagping alaala natin. Balikan natin ang simula hanggang sa makarating tayo sa ngayon at sama sama uli tayo sa kung saan man na daang tatahakin ng paglalakbay ng si-kat.
No comments:
Post a Comment