Tuesday, March 31, 2009

APRIL THERESE MENDOZA




It has almost been a decade since I last participated in any production. My theater arts days ended when I graduated from high school. I sort of focused on my studies in college and explored many other things. But I can never forget my past.

My highschool life would never have been complete without my Si-Kat family. It was the San Lorenzo Ruiz in 1997 presentation that marked the start of the group. From then on, we started conducting workshops and attending summer camps.

I was always a backstage person and an extra during my Si-Kat days. I'd act as a stone or a tree or a wave. Those are the characters that gave justice to the plays, me thinks. Haha! Anyway, my real roles would be the cast director or the stage manager. I am grateful how Sir Ped allowed me to handle the group with his supervision.

The two plays that will forever be dear to my heart are "Journey to the Kingdom of the Sun" and "Ang Bagong Pilipino". I love how we were able to "produce" the first play with only a handful of budget from Ma'am Arci (Miss Arcigal). I found the design group very resourceful. I remember we had to ask for black clothes and empty cartons from all the sari-sari stores in town to sort of give a dim feel to the auditorium. I also love all the characters in this play. I was the cast director then so I also memorized all the lines.

Ang Bagong Pilipino was a bigger production. It was considered a "grand" production during our time. The sound effect was great and the final song "Mabuhay Ka Pilipino" was just moving. Parang ramdam na ramdam mo talaga na Pilipino ka. Hanggang ngayon, whenever I hear that song, naaalala ko 'yun buong cast na nasa stage at proud na nagba-bow for a great performance.

After a few years, I was still able to watch a few Si-Kat presentations and I must say, I am proud to be one of the pioneers of this group. It has really gone a long way. Noong time namin, papatay-patay pa ang sound at ang lights, hindi pa ganun kaganda. Pero when I got to see ang mga productions a few years back, sobrang galing na. I am glad how the group has evolved. To Sir Ped, Ma'am Abeth, and all the members (old and new) --- Kudos!

Monday, March 30, 2009

ROLANDO P. BUADO JR.


“ Malaya ka na Pilipino. Kagitingan mo’y isisigaw sa buong mundo,sa buong mundo.
Kasarinlan at kalayaan, patuloy kong ipaglalaban. Taglay ang bagong anyo ng pag-asa. Pilipino aking kapatid... Mabuhay ka! Mabuhay ka!”


"Magiging katulad din nila ako"

Bago pa lang ako tumuntong ng high school, napanood ko na ang ilang piling students ng Mount Carmel na magperform at nasabi ko sa sarili ko noon na magiging katulad din nila ako. It was right after my elementary graduation, April of 1998, when I performed “Bagobo Dance" (Rice Cycle Dance originated from Davao) para sa Cultural Night ng Piyesta ng Bayan. Ang sayaw din na ito ang nagsilbing daan para makapasok ako sa Si-Kat. Wala pa akong idea kung ano ang Si-Kat (Sibol ng Kabataang Teatro) at kung ano ang meron dito. Ang tanging gusto ko lang ay makita ang sarili ko na sumasayaw sa entablado dahit ito ang hilig ko mula pa pagkabata at masasabi kong ito talaga ang talento ko.


"Ang Bagong Pilipino at ang Bagobo"

Noong nasa ika-unang antas na ako, Mount Carmel hosted the CASPI General Assembly at dito nabuo ang stage presentation na “Bagong Pilipino”. Hindi ko sukat akalain na ang maliit na role na naibigay sa akin ang siyang magiging stepping stone ko sa mas masaya at makabuluhang buhay high school. Ito ang kauna-unahang stage presentation na aking nasalihan na binuo ng Si-Kat. Being part of the presentation was one of my high school achievements because this served as the birth of my theater career, hehehe. Naalala ko pa noon na naghanap sila ng maaaring sumayaw ng folk dance at nagkataon naman na halos lahat ng miyembro ng Bagobo Dance ay sa Mount Carmel nag-aaral. Dahil sa ako ang pinuno ng nasabing sayaw, ako na rin ang naatasang maging choreographer at nagturo sa mga bagong miyembro ng sayaw. Dahil din sa sayaw na ito, mas nakilala ako ng mga miyembro dahil sa linyang isinisigaw ko sa unang parte ng sayaw --- "Agbagay kay siniting lawas ko. Asta pagkasing kasing ko. Lupido! Afelimong datu!" Naalala ko pa si ate Karen Catilo na ang tawag sa aking ay Agbagaykay, samantalang ang iba naman ay Heheheroweh ang bansag sa akin.


"Pagsayaw at Pag-arte"

Akala ko nung una ay simpleng folk dance number lang magiging partisipasyon ko sa produksyon pero hindi pala. Nakasama din ako sa iba't ibang sayaw-galaw na bahagi ng produksyon tulad ng ang bahagi kung saan nabuo ang Pilipinas mula sa teyorya ng pagputok ng bulkan. Ang bahagi kung saan ibinato ni Sir Ped ang drum dahil sa hindi mabigkas ni Kenneth ang linyang "We are here to help" kung saan para kaming mga puppet na nagsabayang bigkas ng A-apple, B-ball, C-cat. Siyempre kailangan perkpekto ang eksenang ito dahil English Major ata ang aming direktor at dahil sa baluktot naming dila, talagang sa part na ito ng rehearsal kami tumatagal. I also portrayed a child being abused at natatandaan ko pa na si ate Cheche Morilla ang gumanap na nanay ko. "Maawa na po ka'yo!", ang tanging linya na nasolo ko hahaha. Maiksi pero makabuluhan, punong puno ng emosyon at challenging lalo na sa first time na katulad ko. Marami pang sayaw-galaw ang kinailangan para mapaganda ang produksyon at siyempre ang pinaka-memorable ay nang sayawin ng buong grupo ang "Mabuhay Ka Pilipino" bilang pang-finale.


"Trained to be Leaders"

Habang ginagawa ang produksyon, maraming experience ang talaga namang hindi ko malilimutan, maraming una ika nga nila. Una kong naranasan ang mag theater workshop. Hindi lang basta basta dance workshop kundi pati na rin ang acting workshop. Dito kami unti unting tinanggalan ng kahihiyan sa buhay este hiya pala sa katawan Ü. Dito ko rin mas nakilala at nakaclose ang aking mga kuya at ate sa Carmel na dati ay pinapanood ko lamang at lubos na hinahangaan. Mas lalong nahasa ang aking talento at nakadiskubre pa ako ng ibang bagay na kaya ko rin pala gawin. Nahasa ang aking creativity dahil sa mga workshops at natuto akong mag improvise. Naging mas confident din ako at natutong magtiwala sa aking sarili at sa mga kaya ko pang gawin. Dito ko rin nakilala ang PETA (Philippine Educational Theater Association) na naging katuwang ng Si-Kat sa loob ng mahabang panahon. Nakasama din ako sa grupo ng mga estudyante na nagturo at nagpaworshop sa ibang pang kabataan ng Infanta galing sa iba't ibang paaralan. We were trained not just to be a good performer but also to be a good leader.


"Paghubog ng buong pagkatao"

Sobrang daming karanasan at aral ang natutunan ko simula nung sumali ako ng Si-Kat. Hindi ako nahirapang mag adjust sa high school life ko dahil masasabi kong sa unang taon ko pa lang sa Carmel eh sobra sobrang exposure na ang naibigay sa akin. Talagang maraming pinto ang nagbukas dahil sa pagiging bahagi ko ng "Bagong Pilipino". Hindi boring kumbaga kasi nandyan ang Si-Kat na naging pambalanse ng naging buhay estudyante ko. Tunay na nahubog ang buong pagkatao ko sa tulong ng Carmel at siyempre ng Sibol ng Kabataang Teatro.

Saturday, March 28, 2009

TATAK SI-KAT

pagbabahagi ni Rolando Buado



Kung ikaw ay isang certified Si-Kat member, makakarelate ka sa mga karanasang ibabahagi ko.


CHEESEBREAD


Kung mangga ang pambansang prutas ng Pinas, ang Si-kat ay may pambansang meryenda.

Masasabing certified Si-Kat member ka kung naranasan mong kumain ng Cheesebread bilang meryenda habang nasa rehearsal. Maraming produksyon na rin ang ginawa ng Si-Kat at halos sa lahat ng ito ay naging parte ang aming pambansang meryenda --- cheesebread. Kahit mga bisita hindi pinalampas, kahit mga taga-PETA, kahit si Ta-Glens, at kahit mga Hapon pa (Japanese Encounters), bidang bida ang cheesebread!


DRUM-STICKS


O hindi ito ice cream, ito ang drums at stick na parating dala dala ni sir Ped sa mga rehearsals. Mabisang-mabisa ang instrument na ito kapag si Sir Ped ang may hawak. Una, ito ang nagsisilbing "cue" sa bawat eksena. Pangalawa, ito ang nagiging beat ng mga dancers kapag wala pang background music. Pangatlo, ang aking pinakapaborito, kapag medyo shonga-shonga at hindi makuha ng aktor ang dapat nyang gawin on-stage at lalo na kapag hindi na kaya ni Sir Ped ang pressure, biglang magkakapakpak ang kawawang drum at lilipad sa buong auditorium. Peace! Ü


DANCER-ACTOR-PRODUCTION PEOPLE


Hindi pa noon uso ang callcenter pero uso na sa amin ang tinatawag na "multitasking". Yung tipong sa isang produksyon eh ikaw ang lead actor, ikaw din ang direktor, ikaw din ang dancer at minsan ikaw pa din ang choreographer. Di ba astig!? Kung nagkataon na may talent fee kami eh masasabi naming sobrang nagtitipid ang Carmel hahaha. Pero mabuti naman ang kinalabasan kasi natuto tayong maging versatile at responsible.


LATE-NIGHT REHEARSALS


Halos lahat ng productions na nagawa ng Si-Kat eh may Late-Night rehearsal lalo na kapag malapit na ang play date. Feeling ko tuloy noon eh artistang artista na ako dahil sa sobrang busy ng schedule. Isa lang hindi ko naranasan, ang magpictorial. Ü


IMPROMPTU


Mahahalatang inugatan ka na sa Si-Kat kung kaya mong makabuo ng eksena ng wala script. Ü. O wag na mag-deny, ganyan tayo dati. Ang script e natatapos lang kapag tapos na rin ang play. Minsan e naipalabas na ang play pero wala pa rin ang formal script, hehehe. Agree?


101 REVISIONS


Naniniwala ako na CHANGE lang ang permanente sa mundo. Pero sa Si-Kat, aside sa cheesebread, paborito din ito ng grupo. Yun bang hindi lang simpleng linya sa eksena ang nababago, minsan pati buong eksena binabago. Pag minalas ka pa, tatanggalin ang buong eksena. Pag sobra ka pa talagang minalas, bukas na yung play pero may babaguhin pa rin --- courtesy of our loving "Poon". Kung inugatan kana sa Si-Kat, malamang kilala mo s'ya pero kung hindi, bawal sabihin. Walang clue! Yun na. Ü


UNDER-UNDER-UNDER SHIRTS


Dahil sa dami ng eksenang bumubuo sa isang produksyon, kadalasan ay magiging suki ka talaga. Hindi lang sa isang play ko ito naranasan. Yung tipong kada eksena ay nandun ang iyong presensya. Kaya ang nangyayari, parang nagiging winter sa school kasi hindi lang doble, minsan eh triple pa ang suot mong costume. Dahil sa imposibleng makapagbihis ka pa sa tuloy tuloy na eksena ang gagawin mo na lang e suotin lahat ng posibleng masuot para hubad na lang ng hubad. Siyempre hindi maiiwasan ang aksidenteng makapag suot ka ng costume na para sa ibang eksena. Buti na lang at hindi pa ito nangyayari sa akin.


Ikaw, may alam ka pa bang Tatak Si-Kat na nais mong ibahagi?

Monday, March 23, 2009

MARK AGUSTINE ILAGAN


Ang SI-KAT ang isa sa mga grupong ‘di ko malilimutan at ito ay mananatili sa buhay ko. Pero bago pa man nagsimula ang samahang ito ay naranasan kong makasali sa isang theater play production which I accidentally became a part. Dito ko rin nakilala si sir Ped, ang founder ng SI-KAT.

Taong 1997, isa akong 2nd year transferee sa Mount Carmel High School from Manila. Nag-aadjust pa ako noon at nagsisimula pa lang sa pag-adopt ng atmosphere sa bago kong school. May naging kaibigan ako doon, si Che-che Morilla na that time ay involved sa isang play sa school. Madalas akong sumama sa kanyang mga rehearsals. One time, wala ang isa sa mga actors ng play at kailangan ng mapolish ang rehearsal dahil malapit na ang playdate nito. Dahil sa kakapanood ko at kakasama ko kay Che che, bigla akong tinawag ng isa sa mga coordinator ng play at ako ang ipinalit sa role ng absent na actor. Waaaaaaaaa!!! Anong malay ko naman sa pag-arte?Napasubo na ako kaya pumayag na rin ako. Maliit lang naman ang role ko sa play na iyon, isang magsasaka na nagaararo ng bukid ka, walang dialogue, galaw lang. ‘Di ko alam na makakasama ko si sir Ped. Kasama rin s’ya sa play at ginampanan nya ang role ng isang pari. Akala ko matatapos na ang experience ko sa pag arte pero iyon pala ang simula ng isang mas maganda at mas makahulugan na karanasan para sa akin….

Sa pangalawang pagkakataon ay nakasama ako ulit sa isang play; isang theatrical play tungkol kay San Lorenzo Ruiz. Ang in-charge ng palabas na iyon ay si sir Ped at ang role na ginampanan ko noon ay si Lazaro ng Kyoto, isang hapon na kasamang inusig at pinatay kasama ni San Lorenzo Ruiz na ginampanan ni Mark Anthony Romantico. Kasama ko rin dito sina Mark Anthony Avellaneda at Andrew Chan bilang mga paring martir na ibinuwis ang buhay alang-alang sa pananampalataya. Napakalaki ng opportunity ng pagkakasali ko dito dahil sa nakasama ako sa isa sa mga pinakasuccessful na palabas na ginawa sa school that time. ‘Di lang yun, ilang ulit naipalabas ang play na ito at maging sa labas ng school ay naipalabas din.

At maliban sa pag arte ay isa rin ako sa mga tumulong gumawa ng choreography ng nasabing play. ‘Di ko akalain na magagawa ko ang mga iyon. Nilapitan ako ni sir Ped para magbigay ng creative input sa mga movements at sayaw. Medyo nahihiya pa ako noon pero sa tulong ni sir Ped ay tumaas ang self esteem at confidence ko. Malaki ang mga naitulong ng mga workshops na pinamunuan nya. Simula noon ay madalas na akong mapabilang bilang isa sa mga choreographers ng mga ipinapalabas sa Mount Carmel.
Nakasama rin ako sa technical group ng mga plays kasama si Jonathan Florante. Naging in-charge kami sa mga tunog na nilalapat sa isang play. Nariyan ang sound effects, background music, dance songs, at lighting effects.

‘Di pa doon natapos ang involvement ko sa pag arte, Nakasama din ako sa isang production kung saan ang naging role ko ay ang maging director. Isang malaking hamon ang nasabing role dahil ako ang namahala ng pagpapatakbo ng palabas. Nariyan ang pagfacilitate ng mga workshops bago sumalang sa rehearsals, ang pagbabahagi ng mga ilang detalye sa script, ang paggabay at pagtulong sa mga kapwa mag-aaral na artista kung paano ipo-portray ang kanilang mga karakter sa harap ng entablado at tamang atake ng pagbibitiw ng dialogue, ang tamang blocking at pacing ng bawat eksena, atbp. Salamat sa mga turo at advices ni sir Ped at nagagawa ko naman ng maayos ang pagiging director. Mula noon ay madalas na akong nakakasama sa mga production bilang tao sa likod ng entablado. Hindi nakikita pero may malaking bahagi sa isang produksyon.
Ang ilan sa mga plays na nasalihan ko sa likod at harap ng entablado ay: CASPI play (magsasaka), San Lorenzo Ruiz(Lazaro of Kyoto), Bagong Pilipino(director), Makabagong Bayani (main cast / assistant director), Kristo, (Hudas/director) at marami pang iba.
At ng mabuo ang SI-KAT ay isa ako sa mga napiling mamuno ng nasabing samahan. Bilang isa sa mga seniors ng grupo, nagawa namin pausbungin ang samahan. Maraming mga kapwa mag aaral ang nahikayat na sumali at naging interesado sa larangan ng pag-arte, pagsayaw at pagkanta. Isang malaking tagumpay para sa aming lahat ang mapabilang sa SI-KAT na ngayon ay kinikilala sa loob at labas ng Mount Carmel .

Malaki ang naitulong ng SI-KAT sa aking sarili. Nadiskubre ko ang mga talento ko na hindi ko akalaing meron pala ako. Nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko at lumabas ang pagiging malikhain ko. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa iba’t ibang antas sa aming paaralan, At higit lahat, isang malaking factor ang SI-KAT para makumpleto ang aking “high school life”.

At kahit na ilang taon na ang nagdaan, nanananatili ang SI-KAT at nariyan pa rin sa Mount Carmel School . Hinding hindi ko malilimutan ang mga ala-ala ng SI-KAT sa aking buhay. Dito ko nakilala ang mga tunay na kaibigan. Bagama’t ang iba ay may mga sarili ng buhay, hindi nawawala ang pagkakaibigan. Nagagawa pa rin magkita sa mga okasyon at maasahan pa rin sa panahon ng kagipitan.

Ito ay isang karanasang di malilimutan at bagkus ay maipagmamalaki kailanman…
Ako po si Mark Augustine A. Ilagan aka agustin, austin , proud to be one sa SI-KAT!

‘Habang may buhay, may pag-asa; habang may pag-asa may buhay.’

- Mark Agustine Ilagan

Sunday, March 22, 2009

JONATHAN FLORANTE


I remember San Lorenzo Ruiz (1997) ang kaunahang theatrical play na sinalihan ko noong nasa highschool pa ako. Second year ako noon.

Dito nagsimula ang karir ko bilang production staff... bilang taga lapat ng tunog at musika sa play. Sa una, medyo nag adjust ako pero nakuha ko rin naman agad ang role ko bilang isang Sounds Director sa tulong syempre din ng aming director.

Kumpleto naman kami noon sa materials like tapes... mostly OST (official soundtrack) kaya akala ko pipili na lang ng gagamiting track/s. Pero hindi pala ganun 'yun...Akala ko kung ano lang magustuhan na music ay iyon na.

Then natutunan ko na I also have to know the script, the mood, the setting, etc.. para alam ko rin kung ano ang ilalapat na musika. Ang sabi nga sa akin ni sir ped noon,"Kung pipili ka ng background music natin, you should know what would be its impact to the audience who are watching our play." By that time,siyempre sa murang edad ko, I was just starting to build my skills.

Tinatanong ko nga sa sarili ko noon kung sa technical aspect nga ba ako mag e-excel. Hayun... almost all of the plays we produced noon ay ako ang nasa likod ni sir ped bilang isang Techical and Sounds Director.Nakasama ko rin madalas noon si Mark Agustin Ilagan sa technical during our set ups before the play lalo na noong nag fourth year (senior) na kami dahil sa mga student council activities.

Malaki talaga ang naitulong sa 'kin ng SI-KAT. Dito nagsimula ang pundasyon ng pagkakaibigan namin ng mga kaklase noong high school pa ako. Until now, kahit may mga sari sarili na kaming pamilya, maaasahan pa rin ang bawat isa. Alam mo 'yun, kahit matagal na kaming hindi nagkikita kita, nandoon pa rin ang dating samahan. 'Di kumukupas. Sa SI-KAT, para sa akin ay walang plastik... totoo ang samahan at sariling pinapakita ng bawat isa.

Bukod tangi talaga ang SI-KAT. Dito natulungan ko ang aking sarili na mahubog ang aking talento at tiwala sa sarili. Ang dami naming pinagdaanan ni sir ped noon. Ang pagiging late ko palagi... ang palpak na trabaho, etc. Pero sabi nga hindi ka matututo kung hindi ka madadapa... we should learn from our mistakes.

Akalain mo ngayon, I am working in one of the biggest broadcasting companies dito sa Pilipinas, sa TOD(technical operation division)ng ABSCBN News and Current Affairs. Ang huli ay nasa likod ng mga programang inyong pinapanood. naks!

PARA SA LAHAT:

"Believe in God. . . sundan mo ang kanyang SIKAT sa bawat tatahakin mong daan."
- Jonathan Florante (jflor)

Saturday, March 21, 2009

BINYAG NG SI-KAT



Dahil nga sa nabuo na ang barkadahan pagkatapos ng matagumpay na English play production na Journey to the kingdom of the Sun, hindi rito tumigil ang si-kat. Dahil nga sa maganda ang naging resulta ng play ay mas dumami ang nagkainteres na sumali sa grupo. Kung dati rati ay ang Sports club ang s'yang may pinakamaraming nag aaplay na members, bigla namang bumuhos ang sa drama club. Noong panahong yun (1997 to 1998) ay wala pang pangalan ang grupo.

So, kelan nagkapangalan?

Dahil uso rin noon ang mga youth camps sa prelature of Infanta, nag organise ang grupo ng mga senior members ng isang theater arts camp at s'yempre ako ang pasimuno nito...hehehe. Ang pinakamatandang pasimuno. Nagkaroon kami ng overnight theater workshop ala bonding na rin sa tahanang nazareth sa Tongohin. Salamat kay Ta Glens na s'yang sumuporta sa amin para makuha namin ang lugar ng libre. Walang sponsor ito. Kanya kanyang baon, kanya kanyang gastos. Doon ko nakita na bumaha ng de lata sa dami ng pagkain na dala ng mga bagets. Di ko lubos maisip na sa dalawang araw namin ay puro de lata ang pagkain namin. May mga bayani noon na in charge sa pagkain at kaayusan ng lugar. Salamat sa mga senior members noon na batch '99.

Eto na. Gabi ang setting sa loob ng retreat house. Nag eemote ang ilan sa mga damuhong mga bata. Masaya ang karamihan dahil sa bagong tropa na nabuo. nag usap usap tungkol sa buhay buhay. Nagshare tungkol sa kanilang mga sarili. Kami kami ang facilitators at participants. Sariling kayod 'ika nga. At dahil nga buo na ang barkadahan, naisipan namin na pangalanan ang grupo. Kung ano ano ang mga naisip na pangalan. May nakakatawa , may corny, may super seryoso na parang mafia ang dating ng grupo. Finally, Miles Suaverdez came to the rescue. She named the group: SIBOL NG KABATAANG TEATRO at kapag pinaiksi mo ito ay si-kat (lightrays) hindi yung sikat na famous.

Natuwa ang marami at mula noon ay ito na nga ang naging binyag sa theater group ng Mt. Carmel.Salamat, Miles.

Were you there when it happened? Ano ang natatandaan mo pa? Feel free to add the missing details.

SAN LORENZO RUIZ, PILIPINONG MARTIR...1997



Taon taon ay ipinagdiriwang sa Mt. Carmel School ang kapistahan ni San Lorenzo, ang kauna unahan at bukod tanging Pilipino na santong martir. Kaya naman hindi mawawala na mayroong drama presentation tungkol sa buhay n'ya.Ang nasa ikalawang antas ang s'yang naghahanda para sa presentation na ito.Katuwang ang guro sa Kristyanong Paghubog at ang si-kat, bumubuo ng isang palabas sa entablado na gumugunita sa kanyang simpleng buhay na tinawag sa kabanalan. Ang lahat ng mag aaral mula sa una at ikaapat na antas ay sama samang nanonood sa auditorium ng paaralan upang masaksihan ang dakilang buhay ng isang Pilipinong Santo.

Sino ang makakalimot sa kanyang mga huling salita habang nasa kamay ng kamatayan:
ISANG LIBO MAN ANG BUHAY KO AY IAALAY KONG LAHAT SA DIOS!

Taong 1997, gumanap bilang San Lorenzo Ruiz si Mark Anthony Romantico. Malalim ang akting at characterisation ni Mark. May pinaghuhugutan ng emosyon ang bata at kahit na sa murang edad ay nagawang n'yang pulido ang kanyang pagganap. Binigyan sya ng resounding applause sa kanyang execution scene sa play na ito. Bihirang mangyari ito sa mga palabas sa Carmel, but that moment, he was able to glue the eyes and hearts of the audience and even moved them to tears. HIndi mabilang ang palakpak at magandang feedback. Naipalabas din ang production na ito ng maraming beses.No more questions asked, it was the most successful Lorenzo play I've seen in Carmel.


Kasama ang piling mga estudyante sa second year noon, naging memorable ang palabas na ito. Masasabi kong ito ang nagbigay daan sa pagsilang ng si-kat. Nakita rito na puedeng gumawa ng matino at de kalidad na presentation ang mga bata, at sila ay hinog na para bumuo ng isang theater group.

Bukod dito, mas nabigyan ng pahalaga ang technical na aspeto ng production lalo na paglapat ng tunog at musika sa palabas na lalong nakadagdag ng malaki upang makapasok ang manonood sa kuento ng buhay ni San Lorenzo. Salamat kay Jonathan Florante, isang estudyante at kaibigan din na nakasama sa iba't ibang mga youth seminars and camps. Siya ang tumayong sounds director ng si-kat. Wala akong nakitang mas hihigit sa kanyang tiyaga at talento sa area na ito. Sa kabila ng aming mga arguments and discussion, nanatili s'ya sa si-kat at masasabi kong isa talaga s'ya sa mga founding members nito.

Nabigyang pansin din ang choreography and movements na nakita sa play. Lahat nagtulong tulong para mabuo ng maayos ang mga galaw. Sa kabuuan, napahalagahan ang mga gumagawa sa likod ng produksyon. Nakilala sila at nabigyan ng merit.

Para sa akin, isang malaking bahagi ng aking sarili ang nabuksan... Nasabi ko sa sarili ko na kaya ko palang magdirect at magsulat para sa isang play. Isang nakakatuwa at overwhelming na karanasan.

Naging bahagi ka ba ng play na ito? Baka gusto mong magshare...

check this site

check this site
learning English language is just a click away